Kabanata 6

149 2 0
                                    

                                                                                 SIX

"On the dark desert highway, cool wind in my hair. Warm smell of colitis, rising up through the air. Up ahead in the distance, I saw a shimmering light." Paboritong tugtugin ni Tatay na naman ang narinig kong nagpagising sa amin ni Dodong.

"Tss, dala nga pala ni Tatay ang mahiwagang usb niya na naglalaman ng sandamakmak niyang kanta," bubulong-bulong kong turan sa kama. Babangon na sana ako nang iharang ni Dodong ang kanyang braso sa katawan ko.

"Saan ka pupunta? Wala ka pang good morning kiss sa akin, Marie," ungol ni Dodong na nakasubsob sa may leeg ko ang mukha.

"Mamaya na. Hindi pa nga ako nagmumumog e." Nagpumilit akong bumangon. Inaantok pa siguro siya kaya pinagbigyan akong makabangon.

Nagmumog na ako at naghilamos sa banyo, mayamaya'y may pumulupot na mga braso sa baywang ko habang nagpupunas ako ng tuwalya sa mukha.

"I miss you, Marie,"

"I miss you ka diyan. You only miss my sexy body," bara ko sa kanya. Wag kang ganyan, bhe. Baka masanay ako.

"I miss you. I miss your body. Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Akala ko magigising akong wala ka na sa aking tabi. Kaya naman laking tuwa ko nang mapagmasdan kita kanina habang natutulog ka," pahayag nito. Nakatitig siya sa aking repleksyon sa salamin sa banyo.

"Ang saya siguro ng buhay ko kung palaging ikaw ang mabubungaran ko tuwing gigising ako sa umaga," dagdag pa nito na siyang nagpakilig nang husto sa akin.

"Bakit ka ba ganyan? Ang aga-aga, ang cheesy mo." Siyempre, paminsan-minsan kailangan kong maging kj kasi kung hindi, walang thrill ang lovestory ko, di ba, kung puro pa-cute ako.

"Cheesy ba iyon? E sa iyon talaga ang kusang lumabas sa bibig ko e. Nagmula iyon sa kaibuturan ng aking," huminto ito sa pagsasalita. Pinagdikit ang nakapormang pa-pusong mga kamay at saka tila pinatibok iyon na parang totoong puso.

"Ang korni mo talaga, Dodong!" sabi ko sa kanya, pinalis ko ang mga kamay na nakaharang saka tumawa nang hagot. Tumawa naman ito nang mahina.

"Korni pala, ha. Pag na-in love ka sa akin, who you ka sa akin," natatawang sabi nito, nakayakap pa rin sa akin mula sa likod.

"Who you pala ha," pananakot ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka mabilis na lumakad palabas ng banyo. Hinabol naman ako nito. Hinablot ako nito sa braso saka nagpatihulog sa malambot na kama.

"Joke lang, Marie. Ikaw naman, hindi mabiro." Mababakas ang pagkabahala sa mukha niya. Sumeryoso naman ako ng mukha habang nakahiga paharap sa kanya.

"Dodong..." ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ano iyon?" mahinang tanong nito.

"Mag-tooth brush ka na bhe." Hahahaha!

*********

I can't help it. I think I'm falling hard for this guy. At hindi ko alam kung sasambutin niya ba ako hanggang dulo o titingnan niya lang akong mahulog.

Ayokong bigyan ng tawag kung ano man ang meron kami ngayon. Kasi baka bigla na lang maglaho ang lahat. Ito ang hirap sa akin. I'm afraid. No, I'm terrified. I'm terrified of the things all of this might bring us. Natatakot ako na baka lahat ng ito may kapalit. Na baka nagyon lang kami masaya. Baka sa susunod wala na pala. Pero bakit ko ba iisipin ang hindi naman mangyayari? Bakit hindi ko isantabi ang mga alinlangan ko?

*****

"'Dong! Tara kina Anakin. Magpapakain daw si Kin sabi ni Josh," narinig kong yaya ng isang cute na medyo maitim na lalaking nakatanaw sa bakod nila Tita. Nagsasampay ako ng mga damit namin ni tatay na nilabhan ko. Madami-dami na rin kasi ang mga iyon kaya naglaba na ako. Nakakahiya naman kung isasama ko pa sa mga labahin nila tita.

Napalingon ako kay Dodong na nagsisibak ng kahoy with matching litaw ang abs. Nagpunas ito ng pawis gamit ang puting tuwalyang nakasabit sa balikat nito bago pasimpleng sumulyap sa akin. Tila ba nagtatanong kung papayag ba ako. Nagkibit-balikat lang ako saka nagpatuloy sa pagsasampay. Kung gusto niya namang pumunta, e di pumunta siya. Wala naman akong magagawa kung gusto niyang pumunta kina Anakin.

 Kaya lang baka may mga bebot kina Anakin, sabi ng matabil kong utak. Kinabahan ako kasi baka nga maraming chikabebes doon kina Anakin. Kaya naman pigang-piga ko na ang damit ni tatay at may narinig akong tila napunit na tela sa tindi ng pagkakapiga ko.

"'Tetext ako,Keith, kapag pwede ako mamaya. Baka kasi mawarak lahat ng nilabhan ng isang tao dito pag bigla akong nagdesisyon," sagot ni Dodong.

"Ano, 'tol? Di ko gets," naguluhang tanong ni Keith.

"Wala. Magtetext na lang ako sa inyo basta pag pwede ako."

"Sige, 'tol. Kita-kits," paalam nito.

Matatapos na akong magsampay nang hawakan ako ni Dodong sa kaliwang braso ko.

"Sasama ka?" tanong nito sa akin.

"Ha? Saan?" maang-maangan ko.

"Kina Anakin mamaya. Naalala ko, house blessing nga pala nila ngayon. Noong isang linggo pa niya iyon pinapaalala e.

"Bakit mo naman ako isasama, e hindi ko naman sila kilala?" dahilan ko.

Nakatitig sa akin si Dodong. Halatang-halata naman kasi na ayoko siyang sumama. Nag-aalala talaga ako na baka may magandang babae doon. Mas maganda at sexy pa sa akin.

"Tigilan mo nga ang pag-iisip ng ganyan," utos nito.

"Ha?" tanong ko sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Stop what you're thinking. Kitang-kita ko na nag-aalala ka."





****** Super pabitin muna, mga bes. ********

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon