Kabanata 8

16 0 0
                                    

(A/N: Long overdue mga par. 🤣🤣🤣🤣🤣🤣)

Nakakahiya ang mga ganitong eksena sa handaan.  Yung tipong sarap na sarap kang kumain tapos mag-aalboroto tiyan mo. 

It was a good thing na malawak ang oang unawa ni Dodong sa mga ganitong bagay. 

"Ito alcohol o, para di ka maasiwa na bagong hugas ka ng puwet. " At nakakalokong ngiti ang iniharap sakin ng talipandas.  Tiningnan ko lang siya nang matiim.  Humanda ka sa akin mamaya sa bahay.

"Sensitive pala ang tiyan ni Marie, " bungad ni Keith na may singkit na mata. Jusko,  kunin mo na ko. Ayoko na dito. 

"Hindi iyan,  nagkataon lang.  Baka nabigla lang ang tyan sa kinain.  Hindi naman siya ganyan sa bahay." Sinagot ni Dodong ang kaibigan nang di ako tumugon sa sinabi nito. 

"Hanggang kailan ka dito sa probinsya?  Balita ko taga-Manila ka?" Si Anakin.  Habang may nguya nguyang garlic bread. 

Sumagot na ko,  "Two weeks lang kami dito ni Tatay,  na-miss kasi niya sila Tita.  Matagal na rin kasi silang di nagkikita.  Dalawang taon na rin." Dalawangbtaon na simula nang mamatay ang nanay nya.  Simula ng mamatay si nanay di na kami nakakapasyal sa probinsya.

"O tamang-tama.  Sa isang araw baka makasama ka pa. Dodong, isama mo si Marie sa outing natin. Sa Mariposa,  sige na minsan lang tayo mag jamming."

Mukhang meron na silang usapan bago pa kami dumating.  Mukhang gusto rin naman ni Dodong.  And I know, gusto ko ring sulitin ang mga araw na kasama ko si Dodong dito sa probinsya. Why not enjoy it, too? 

"Magpapaalam pa ako kay tatay. Di ko rin agad masasagot yan.  We will inform you kapag pwede. " Siguro naman papayagab ako ni Tatay.  Di naman ako galang tao,  ngayon lang ako mag papaalam kung sakali.  Sana naman ay payagan kami.

"Yan ang gusto namin,"sabay nag apiran ang mga loko may kasama pang halakhakan.  Mga lasing na yata.  After a few more songs na kinanta nila Anakin,  keith at dodong,  na may maganda talagang boses,  kainis,  nagpaalam na kami sa Mama ni Anakin.  At lalalim na naman ang gabi.  Naalala ko ung encounter kasama si Emperador.  Pag naalala ko,  sarap konyatan.  Ayoko talaga sa mga bully.  Aang sarap pag babarahin.  Insecure siguro un kay Dodong.  Hay naku bakit ko ba iyon iniisip?  Actually,  dina-divert ko ang isip ko. Ang mainit na katawan ni Dodong.  Ramdam ko ang init ng balat niya.  Namumula-mula ang pisngi.

"Ano, natatae ka rin?" lantaran kong tanong. Baka mamaya bigla na lang tong magkalat madilim pa naman ang pligid. Di makikita kung may tae nga ba sa daan o wala.

Ginulo nito ang buhok ko. Pang asar talaga. Wala pa naman akong dalang suklay.  Tinapik ko ang kamay niya.

"Hindi, natutuwa lang ako maglakad na kasama ka. Di ko alam kung kailan mauulit ito. O mauulit pa nga ba. Parang pag minsan ayoko na lang isipin na aalis ka rin dito." Lumamlam ang mga mata nito. Tumigil sila sandali sa pag lalakad at naoabuntunghininga siya.

"Wag mo na kasing isipin yon. Isipin mo na lang na masaya tayo ngayon. Ineenjoy ng mga sandali na magkasama tayo. Magkikita din naman siguro tayo pag inadya ng pagkakataon," sabi niya habang hawak ang mga kamay nito.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" biglang natanong nito.

"Bakit mo naman natanong iyan?" Napakunot noo ako.

"Wala naman.  Naisip ko lang kung magkita tayo ulit,  siguro we are really meant for each other. Ang daming pwedeng mangyari.  Bata ka pa,  bata pa ko.  Marami oa tayong makikilala paglipas ng panahon.  Pero kung dumating man ang oras na magkita tayo. At maramdaman pa rin natin kung ano to. Siguro we really are destined for each other."

Asan.  Asan ang korona ko?  Yung buhok ko naaapakan nyo teka.  Hawiin ko muna. 

"Lalim nun a." Medyo awkward kong sagot.  Anong isasagot ko?  Totoo naman na bata pa kami at marami pa kaming makikilala sa banda banda pa riyan.  Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kasunod ko siya

"Oo, tama ka.  Maaring makakilala pa tayo ng iba.  Pero bakit ko iisipin ang mga ganyang bagay kung masaya naman ako ngayon.  Masaya naman tayo,  diba?  Natatakot ka ba sa mga mangyayari imposibleng maging tayo sa huli?"

"Natatakot ako na baka makalimutan mo ako pagbalik mo sa normal mong buhay," puno ng lungkot na turan nito na para bang alam na alam nito na kakalimutan ko siya pagbalik ko sa Quezon City. 

"Bakit mo kasi iniisip iyon?" balik tanong ko sa kanya. 

"Bakit ikaw kakalimutan mo ba ako?  Kasi ako for sure,  matatandaan ko lahat ng mga nangyari sa atin,  bawat detalye nun, " And its true. Ayaw mang magkalayo naming dalawa dahil natatakot kami na makalimutan namin, pero di ko yun hahayaang mangyari.  I will always cherish the moments i spend with Dodong. 

Kumislap namn ang mata ni Dodong. Kinilig ampota.  E kahit naman ako,  kikiligin kahit medyo korny mga sinabi ko. 

"Alam mo,  minsan talaga di ko alam kung sino mas maton satin.  Pero, ang cute mo." Pinisil nito ng pisngi ko at saka nilampasan ako dahil sa bilis ng lakad nito. 

"Intayin mo ko,  apat tuhod! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon