Kabanata 5

785 10 4
                                    


•FIVE•

"Tito, magpeperya po sana kami ni Marie. Babalik din kami bago lumalim ang gabi," paalam ni Dodong kay Tatay. Ang bait-bait tingnan ni Dodong habang nagpapaalam kay tatay. Si Tatay naman, ngising aso agad.

"Syur, Dodong. Ingatan mo ang Marie ko, ha?" bilin pa ni tatay. Inabutan ako ni Tatay ng pera. Nice one, father dear.

"Opo. Sige po, akis na kami." Naglakad na kami palayo. Wala naman akong maisip na sabihin kay Dodong kaya tahimik lang kaming naglalakad sa tabi ng kalsada nang bigla hawakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at nahigit ang aking hininga.

"Breathe. You'll die if you don't breathe," sabi ni Dodong habang naglalakad kami.

Oo nga naman. I exhaled. Pinisil-pisil niya ang kamay ko. Ramdam ko ang magaspang niyang kamay. Magaspang din naman ang kamay ko, pero mas yung kanya. Hehe. Malaki din ang kamay niya, sakop na sakop ang kamay ko. I feel small. Sana malayo pa yung peryaan. Hoho.

Kinikilig ako kahit wala siyang sinasabi. Huni ng kuliglig lang ang maririnig sa paligid. Pati pala pagtambol ng puso ko. Buti na lang at ilaw lang ng mga poste ang nagbibigay liwanag kundi hulicam ang mukha kong nagba-blush.

"Bakit ba ang tahimik mo? Baka sumabog ang ouso mo, wag ka masyado kiligin," basag trip ni Dodong. Siniko ko lang siya. Ilang lakad pa'y narinig na namin ang tugtog ng live band sa may perya sa may oval.

The One That Got Away ni Katy Perry ang tinutugtog ng banda habang kami ni Dodong ay masayang tumataya sa color game. Nanalo na ako ng sixty, siya naman nanalo lang ng bente.

"Better luck next time," sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

"Okay lang naman yun. At least I tried. Tara, siomai tayo," yaya niya sa akin sa may bilihan ng pagkain. Dumadami na rin ang mga tao sa color game.

Kumain kami ng siomai at uminom ng palamig. Na-miss ko ang peryaan dito. Mas masaya nga lang, at ewab kung dahil ba iyon kay Dodong.

"Mislang!" sigaw ng isang lalaki na papalapit sa amin. Kinabahan ako. Mukhang may masama silang pakay sa amin a.

"Emperador," bulong ni Dodong. Tinapon sa basurahan ang pinag-inuman ng palamig.

"Ang ganda ng kasama natin, a. Baka maaari mo akong ipakilala," sabi ng tinawag ni Dodong na Emperador. Teka, ako ba ang tinutukoy nito?

********

a/n: sorry wala masyadong ganap.

Yehey after 59 years mag uud na si Domo. Salamat kay Emre.

••••••Basta karugtong ito nung huling update••••

"Ang ganda ng kasama natin, a. Baka maaari mo akong ipakilala," sabi ng tinawag ni Dodong na Emperador. Teka, ako ba ang tinutukoy nito? Eww, napakapit ako sa braso ni Dodong. But I don't want to be coward.

"Hoy, pwede ba? Humanap ka ng ibang papatol sa 'yo. Hindi iyong sapilitan mong iduduldol ang sarili mo sa babae. Kapal," sabi ko.

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon