Kabanata 7

148 2 0
                                    

Alas-dos ng hapon.

Alas-quatro ng hapon ang usapan ng house blessing kina Anakin. And I'm still here lying on the couch wondering if I would go with Dodong or not. So I decided na i-chat ang kaibigan kong naiwan sa QC.

Me: Hi, bhe. I have this boy crush. And he's so cutipie I want to put him in my pocket para di na siya maalis sa paningin ko.

Pagkatapos ng ilang minute pagkakasend ko ay eto ang reply niya.

Mylene: That's good, bhe. Kinikilig naman ako sa iyo. Magkakalove life ka na rin sa wakas. Hehe.

Me: Ngek, eto nga. I'm so confused about my feelings for him.

My: What do you mean, bhe? Paano'ng confused ba iyan? Is he gay or something?

Me: Grabe, gay agad? E, may nangyari na nga sa amin.

My: WTF! Bilisin si bes! Hahaha.

Me: Ako pa. Haha, anyway noong una kasi, I don't know. I just wanted to play with fire. At ngayon, napapaso na yata ako.

My: Ayan, gagaya ka pa sa amin ni Mitz. Look what happened to us. Nabuntis nang maaga.

Me: I think I'm falling for him, bhe. And I'm scared.

My: Why would you be scared, bhe? Ang sarap kayang ma-in love tapos, matatakot ka diyan. Adik ka ba? Ganoon talaga sa love. Sa una nakakatakot pero sa malaon at matagal naman pasarap nang pasarap sa pakiramdam iyan. Magtiwala ka lang sa kanya, if he shows that he really cares for you, then go grab him by the crotch.

Me: Crotch talaga, bhe? xD Sige, I'll try.

My: Yan. Ganyan dapat.

Me: Niyaya niya akong sumama sa mga barkada niya.

My: E di sumama ka. Wala namang masama doon. Enjoy mo ang bakasyon mo diyan sa Pangasinan.

Me: Sige na nga, bhe. Thank you, ha.

My: Ano ka ba, wala iyon. Sige, enjoy the day with Dodong.

Mee: Okay.  :)

Habang naliligo ako sa banyo, I decided na sasama na ako kay Dodong kina Anakin. Gusto ko rin naming makilala ang mga kaibigan ni Dodong.

****

"P're, ang tagal mo. Kanina pa kami naghihintay. Inuman na sabi ni Tito Val," bungad ni Keith pagkadating namin ni Dodong. Kahit naiilang ako sa mga mukhang bago ko pa lang nakita, ayos lang dahil mahigpit naman ang hawak sa kamay ko ni Dodong. It's like he doesn't want to let go.

"Pasensya naman. Nagsamsam pa kami ni Marie ng damit e," paliwanag ni Dodong bago tumingin at ngumiti sa akin.

"Siya nga pala, mga 'tol. Si Marie, nagbabakasyon siya ngayon kina tita," pakilala niya sa akin. Nahiya tuloy ako. Nakatingin kasi silang lahat sa akin, pati na ang mga magulang yata iyon ni Anakin. Parang pinagbiyak na bunga, e. Sobrang namumula na ako sa mga tingin nila.

"Hi, hello. Kamusta?" bati ko na lang, kinaway nang bahagya ang kamay sa ere.

"O, Dodong, Marie. Kain muna kayo dito sa loob," yaya ng mama ni Anakin na may hawak na plastic plate at inabot sa amin. Pumasok kami sa loob ng bahay. At nabighani kami pareho ni Dodong sa laki at ganda ng bahay ng mga ito .Kaya naman pala may house blessing, dumating na ang papa ni Anakin galing barko. Ngayon lang nakauwi, long overdue daw ang pagpapa-house blessing.

Tahimik kaming kumain ni Dodong sa loob, maingay na nagkakantahan slash inuman naman ang mga nasa may terrace.

"Alam mo, Dodong. Bagay kayo ni Marie," sabi ng isang magandang babae na nakablue flowery dress. Mukhang ate ito ni Anakin. At mukhang close sila nito. Napatingin ako kay Dodong. And he is smiling like idiot na parang kinikilig.

"Eh, hindi kami mag-on, ate," sagot ko. Baka mamali ng interpretation ang mga tao dito. We're really not an item, right?

"Ganoon ba? Torpe talaga tong si dodong, ano?" natatawang sabi nito bago umalis na para kumuha ng kung ano sa may kusina ng bahay.

Napakamot sa ulo si Dodong, pero nakangiti sa akin na para bang anghel ako na hulog ng langit.

"Ang ganda mo kasi, tas pogi ako. Kaya bagay tayo."

"Oo na lang," sabi ko sabay subo sa bibig niya ng lumpiang shanghai. Serves him right, pinapakilig kasi ako. Baka maihi ako dito sa magandang upuan nila Anakin. White spaghetti, shanghai at garlic bread ang kinain ko. Shet, mukha na akong butete sa laki ng tiyan ko. Uminom ako ng pineapple juice, tapos may kakaiba akong naramdaman. Shet, here we go again. Bakit ngayon pa?Kung kailan nasa ibang bahay pa talaga? Sana hindi na lang mabilis ang metabolism ko. Huhu, lagi na lang ganto ang parusa sa akin ng mahal na Emre. Bakit ganito ang buhay sa akin, bakit!? 

Natatae ako. 

"Bakit namumula ka, Marie?" masuyong tanong sa akin ni Dodong. Kikiligin na sana ako kung hindi busy ang mga bituka ko sa pag-digest ng mga kinain ko kani-kanina lang. Napahigpit ang kapit ko sa braso niya. 

"Oh, tumataas din ang balahibo sa braso mo? Ano'ng nangyayari sa iyo?" Hindi ako makapagsalita. Nahihiya akong magsabi kay Dodong na natatae ako. Kaya lang pag hindi ko sinabi sa kanya ito, baka magkalat ako dito. At nakakahiya iyon. Putsa, hinila ko na siya sa gilid at bumulong sa kanya. 

"'Dong, san ba banda ang banyo dito? Hindi ko na kaya. Lalabas na!"

"Hala, teka lang. Itatanong ko kay Tita." At nagmadali na nga itong lumapit sa mama ni Anakin. Mabilis namang itinuro ni Tita ang pwesto ng banyo.Dali-dali kaming naglakad papunta doon at pagkasara ko nga ng pinto, success! Lumabas na nga ang demonyong bumabalot sa bituka ko. 

Nakakahiya ako. Nakakahiya ako!

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon