TAT. [ 1 ]

1.8K 61 15
                                    

No Pressure

Habang ako ay inaayusan, nagpasyang maligo si Nash. Basang-basa kasi ito ng pawis kakamarathon. But even though he was soaking in sweat, he still looks and smells fresh. Is that still one of the perks of being in love?

Kami pa lang ni Nash ang magshoo-shooting dahil teaser pa lang daw ito. Ngunit dinig ko ay malalaking artista raw ang kasama namin sa serye. Ang istorya pa lang kasi ang naipaalam sa amin. Wala pa kaming ideya kung sino-sino ang makakatrabaho namin.

Ang kuwento ay umiikot sa dalawang magkaibigang matalik na lumaki sa bahay ampunan. Nahiwalay sila nang inampon ang lalaki samantalang naiwan sa ampunan ang babae.

Isang mayamang negosyante ang naka-ampon kay Nash habang ako naman ay namuhay kasama ang isang kuya-kuyahan namin sa ampunan bilang mga con-artist.

Magkukrus muli ang aming landas nang naging tudlaan namin ang pamilya ni Nash.

I really find the plot interesting. Wala pa akong nakitang seryeng inihalo ang aksiyon, drama, romansa, at komedya. Matagal ko na kasing gustong mag-aksiyon kaya't sabik  akong gawin ang mga action scenes namin.

Unang proyekto pa lamang namin ngunit malaki na ang tiwalang ipinagkaloob sa amin ng network.  Will we meet their expectations?

"Malalim iniisip mo ah." untag sa akin ni Sofia, ang makeup artist ko.

Tinignan ko siya sa salamin na nasa harapan ko, abala ito sa pagkulot ng aking buhok.

"Napag-isip-isip ko lang kasi, napakalaking proyekto nito. Kakayanin kaya namin?"

Natawa naman ito nang mahina. May nakakatawa ba sa aking sinabi?

Marahan niyang pinalo ang aking balikat, "Ang baba talaga ng tingin mo sa sarili mo, ano? Kaya niyo yan. Hakot award king and queen kaya kayo."

Namula naman ang aking pisngi. I may not admit it, but we always earn nominations and awards in most of our works. None of our works became unnoticed.

"Ikaw talaga, Sof." ngumiwi ako.

"Kaya gusto kitang katrabaho Shar e. Napakahumble mo talaga." puri pa niya.

"Tama na nga yan Sofia. Gusto mo lang sigurong madagdagan sweldo mo!" biro ko rito.

Hindi talaga kasi ako sanay na pinupuri. Oo, kinikilig ako tuwing nakakarinig ako ng puri pero pakiramdam ko kasi wala akong karapatang akuin ang mga narating ko. It's not all mine, most of it is God's doing. I'm merely His instrument.

"Hindi no! Napaka-inspirational mo talaga. Hindi ko masisi ang mga fans mo sa pag-iidolo sa iyo." dagdag pa nito.

Nanginit muli ang aking pisngi. Hindi ba talaga ako titigilan ni Sofia?

Marahan kong siniko ang kanyang bewang, "Pag di ka tumigil..."

She looked around to check if we are still alone in the tent, "Ano? Susumbong mo ako kay Nash?" she teased.

"May girlfriend yung tao, ano ka ba."

Nanlamig ang buo kong katawan sa aking sinabi. Iyan naman ang katotohanan Sharlene a? Hindi na kayo pwede, kaya ipagpatuloy mo yang pagmomove on mo.

Twisted and Turned. { NashLene }Where stories live. Discover now