Closer
Hindi ko alam kung ilang pulgada na lang ang layo sa akin ni Donny ngunit batid kong sobrang lapit na niya sa akin. Halos maduling na kasi ako sa kakatitig sa kanya.
I scolded myself for allowing him to close the gap between us. I wanted to push him away yet my eyes were busy staring at his damn plump lips and strong jawline.
He's too close for comfort but why do I find solace in his presence? Napapikit na lang ako nang akmang hahawakan niya ang aking pisngi.
I felt feather-like when his fingers briefly got in contact with my face. Mabilis lamang iyon ngunit bakit naghuhurumentado ang aking puso?
Epekto ba ito ng pagiging single ko ng matagal? Na simpleng haplos lang ng lalaki ay kilig na kilig ako?
"It's gone now..." he said in a low voice.
My eyes fluttered open and saw him examining his index finger. Sinilip ko iyon at nakita ang isang hibla ng aking pilik-mata.
Kinuha lang pala ang dumi sa mukha mo, Shar e. Kilig na kilig ka agad?
Tinubuan ako ng hiya matapos ko siyang pagnasaan ng kaunti, "T-thank you."
"You can make a wish through this, right?" inosente niyang tanong.
Tumango ako nang marahan, still stunned with our closeness. He gently held my hand up. Giving it a light squeeze before placing the loose lash on it.
"Make a wish."
Natawa ako nang mahina sa kaseryosuhan ng kanyang tinig. He chuckled too realizing his pensive tone.
"This might be bullshit but there's no harm in trying. This lash might give you what you want." depensa niya.
"Oo na." nangingiti kong wika.
I closed my eyes and thought of a wish. May dalawang bagay na pumasok sa aking isip.
Should I let go or should I hold on?
Imbes na pumili ay humingi na lamang ako ng senyales kung alin sa dalawa ang aking gagawin.
Bumuntong hininga ako bago humugot ng hangin upang hipan iyon. Marahan akong bumuga ng hangin. Napangiti ako nang lumipad ito, ibig sabihin ay magkakatotoo ang aking hiling.
"It flew. Your wish will come true, Shar." ani Donny sa aking harapan.
"Sana nga, Donny." nginitian ko ito.
His plump lips raised as he stared down on me. Never have I ever foresaw myself have a moment like this with someone like him.
Not bragging or anything but Donny is one of my admirers. He is very consistent in admitting his admiration for me in interviews and magazines. Nagpapadala rin ito ng weekly bouquets and food dati sa set ng huli kong serye.
Ma-effort man ito sa mga regalo pero hindi naman ito nagpaparamdam sa akin sa text, social media, o sa personal. Kung kaya't inisip kong hindi naman siya seryoso sa akin. I appreciate the effort and gifts but I feel like they're half assed. Hindi ba't mas importante ang personal na interaksyon kesa sa materyal?
Hindi na kami binigyan ni Direk ng pagkakataon upang magretouch. Agad kaming iginiya ng mga staff at crew sa opisina na aming pagkukunan.
Hindi kami sabay ni Donny sapagkat hinigit ito ng kanyang make up artist upang iretouch nang mabilisan.

YOU ARE READING
Twisted and Turned. { NashLene }
Fanfiction[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original loveteam?