Welcome
"Patay talaga sila sa iyo, Shar. Patay na patay..."
Parang sirang plaka itong paulit-ulit sa aking utak. Pinilit at kinulit ko si Sofia upang ilahad niya ang kaniyang nalalaman ngunit mas pinili nitong ilangin ako sa kaniyang malisyosong titig.
Iniwan niya muli ako sa dressing room upang makiusyoso sa labas. She even locked the door so I can't take a peek. Sigurista talaga siya.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Mula pa naman sa aking pwesto ay naririnig ko ang pag-uusap ng mga staff at ni Sofia. It's not clear, but I can hear their voices.
Bakit ba kasi binibitin ako ng babaing iyon? Nakatrabaho ko na ba sila dati? Isa ba sila sa mga naissue sa akin?
Sino ba kasi sila?! Nais ko iyong isigaw ngunit ang tangi kong nagawa ay ang umirap sa aking repleksiyon.
Isa sa pinakakinaiinisan ko pa naman ay kapag pinaglilihiman ako. I hate being vulnerable. I'm not sure if Sofia's intentionally killing me or not. But most probably, she's purposely doing this to tease me.
I shifted uncomfortably on my seat.
Gusto kong guluhin ang aking buhok sa frustration subalit ayaw ko namang masira ito. Kahit papaano ay ayaw kong pahirapan si Sofia at antalahin ang oras ng pagshoshooting.Nang mamataan ko ang aking telepono ay may ideyang pumasok sa aking isipan.
Baka alam ni Nash...
A grin escaped my lips as I reached for my phone. I typed his name and touched the call button. Pasalamat siya at desperado na akong malaman ang katauhan ng aming makakasama, kung hindi...
I would never dare calling him without a reason. Wala akong guts para kausapin siya, but today's an exception.
Hindi ako mapakali habang hinihintay ang kaniyang pagsagot sa aking tawag. With every ring, my anxiety was getting worse.
Ibababa ko na sana upang tawagan siyang muli nang marinig ko ang kaniyang baritonong boses, "Hello Shar?" may pagtataka roon.
My mind suddenly went blank. I ran out of words to say. Damn it. Say something Sharlene!
"U-uhm, alam mo na?" I stuttered, his deep voice caught me off guard.
"Ang alin?"
"I mean, kilala mo na ba yung mga makakatrabaho natin?" I know I sounded more desperate than I really am.
Natawa ito nang mahina sa aking tinanong. Natatawa ba ito sa aking desperasiyon? O namamangha sa aking katangahan?
"Hindi pa. Ayaw din nilang sabihin sa akin kung sino sila." aniya habang nangigiti.
My heart melted upon hearing his voice. Hindi ko man siya nakikita ngayon, pero sigurado akong napakaganda ng kaniyang ngiti. Nakakalusaw. Nakakabaliw.
"A-ah, ganoon ba? Akala ko sa akin lang tinatago ni Sofia kaya medyo naiinis ako." pag-amin ko.
"Naiintriga ka ano?" he asked in a gentle manner.
Pinilig ko ang aking ulo, "Oo. Alam mo namang ayaw na ayaw ko kapag may tinatago sa akin."
"I know..." his voice was low, "Pero wag kang mag-alala, may kasama ka. Pareho tayo."
His last sentence echoed in my head. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa kalangitan nang marinig ko iyon. I basked in the thought that Nash and I are still the same. That there's still an us.

YOU ARE READING
Twisted and Turned. { NashLene }
Fanfiction[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original loveteam?