Professional
"ACTION!"
Napakurap ako sa isinigaw ni Direk. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa gulat o dahil sa kaba. Unti-unting naglakad patungo sa akin si Nash at ganoon din ako.
As I take a step closer to him, my heart beat accelerates and my palms get clammy. I heaved a sigh and tried to dismiss all the thoughts and emotions that were bothering me and hindering my performance.
Isang Nash Aguas lang pala ang makapagpapatumba kay Sharlene San Pedro.
Kay Sharlene San Pedro na kilala bilang isang propesyunal at batikang aktres.
Kay Sharlene San Pedro na walang kiyeme sa mga katrabaho.
Kay Sharlene San Pedro na unang take pa lang ay nahuli agad ang gusto ng direktor.
Bakit parang nawala ang Sharlene na iyon?
Bakit ang Sharlene na naglalakad patungo kay Nash ngayon ay naaapektuhan ng kanyang damdamin?
Bakit ang Sharlene San Pedro na ito ay natutuksong takbuhan ang kanyang katrabaho?
Tuluyang nagbangga ang aming mga katawan. Katulad kanina ay naging awtomatiko ang paghawak ko sa kanyang balikat at si Nash naman sa aking likuran.
Nanginig ako sa bolta-boltaheng kuryenteng aking naramdaman. Ako lang ba ang nakakaramdam nito?
Nung una ay parang iritado ito sa pagsalo sa akin ngunit habang tumatagal ang kaniyang titig ay bumalik ang kislap sa kaniyang mga mata.
Pumungay ang aking mga mata sa aking nasilayan. No matter how many times I've seen his twinkling eyes, every damn time still feels like the first time. Everything seems so foreign and new.
"CUT!"
Tumaas ang gilid ng labi nito bago ako inalalayan sa pagtayo. Then again, I felt disappointment rush through my veins.
Lumapit muli kami kay Direk na nakakunot ang noo habang pinanonood ang aming eksena.
"Nash, you did good. Gusto ko iyong titig mo kay Sharlene." ani Direk kay Nash.
Kinabahan naman ako nang ako ang balingan ni Direk. Alam kong pumalya ako base sa kaniyang ekspresiyon.
"Shar, ayos ka lang ba? Parang ikaw ang nahypnotize e." aniya.
Naghagikgikan naman ang mga staff sa paligid pati si Nash. Uminit ang aking pisngi sa hiya. Sabi na e, baliktad ang aming mga papel.
"Ulitin natin ha?" binalingan ako ni Direk Mac, "Shar, please concentrate, may iba pa tayong scenes na ishoo-shoot."
Tumango ako kay Direk kahit na medyo nahihiya ako sa aking kapalpakan. I know he was expecting me to nail it at first take.
Akmang babalik na ako sa posisyon ko ay sinundot ako ni Nash sa tagiliran. Napalingon ako sa kaniya sa gulat.
"Loosen up. Tensed na tensed ka naman." aniya.
"Pasensiya ka na ha? May iniisip lang ako."
"But this is so not you. Ikaw ang isa sa pinaka-propesyunal na artista sa industriya." lumapit ito at hinawakan ang aking balikat, "May problema ka ba, Shar?"

YOU ARE READING
Twisted and Turned. { NashLene }
Fanfiction[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original loveteam?