Marked
Parang tanga kong inirapan ang mga salitang kinasusuklaman ko sa aking script. Kung may powers lang sana ang mga mata ko, baka natunaw na itong mga salitang ito.
"Sof," mangiyak-ngiyak kong tawag sa aking kaibigan. "Anong gagawin ko?" I hysterically asked her.
Lumapit ito sa akin at pinisil-pisil ang aking balikat. "Hindi ko rin alam, Shar." mahina niyang bulong sa akin.
Sampung minuto na lamang ay magsisimula na ulit ang taping, subalit heto kami, nakatunganga. Naghihintay na bigla na lang saniban ng mabuting espiritu si Direk Mac para magbago ang isip nito.
"Wag ka nang umasang papalitan ni Direk yan. Alam mo, imbes na magmukmok, magmumog ka na lang kaya." suhestiyon ni Julian sa akin.
I shot him a glare. Easy for him to say, hindi naman siya ang sasalang mamaya.
"What? Totoo naman ah. Tsaka why are you even acting like that? Akala ko ba completely over him ka na." maarteng wika ni Julian nang nakitang iniirapan ko ito.
Oo nga no. So what? He has a point. Bakit kung makaasta ako ay affected pa rin ako sa kanya? Nakokosensya, oo, pero affected? Hindi na diba?
"Point taken, Juls. I better get ready." I said and stood up from my stool.
Timing lang din dahil nang tinawag ako ng Assistant ni Direk ay tapos na akong mag-ayos. Medyo kinakabahan pa rin ako, pero hindi na tulad kanina. Dinikdik ko sa aking ulo ang sinabi ni Julian kanina. I have to keep it cool.
While walking towards the set, I decided to text Donny and inform him of what was bound to happen. Hindi naman seloso si Donny at alam kong maiintindihan naman niya ang trabaho ko, dahil pareho kaming nasa industriya.
Sa sobrang abala ko sa pagtitipa sa aking cellphone ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.
"Instructions muna tayo." narinig kong sabi ni Direk Mac.
I looked up from my phone and saw that everybody was ready. I gave my phone to Sofia and took a deep breath for the last time, before allowing myself disappear into the abyss. Char!
Mabilis akong magkabisa ng mga linya, subalit iba ngayon. I was clutching my script while moving up and down, side by side. Hindi na ako tensed kanina, pero now that I am here, bumabalik lahat ng tensyon at kaba sa aking katawan.
Kakayanin ko ba talaga 'to?
"Eyes on me muna." utos ni Direk Mac kasabay ang kanyang pagpalakpak.
And so I did. Pero bago mapunta sa kanya ang aking mga mata ay dumaan muna ito sa lalaking nasa harap ko. And guess what? Ang lapad-lapad ng ngisi nito! Ni hindi ko makita na kinakabahan ito o ano.
Tsk, jerk!
"Magdedeliver muna kayo ng lines. Kalmado lang ha? Then may mga marker sa sahig kung saan kayo tatayo mamaya, sundin niyo lang. " pag-iinstruct niya sa amin.
"Okay Direk." halos sabay naming sagot sa matanda.
"Gusto niyo pa bang magpractice or straight salang na lang kayo?" he asked.
Kung magpapractice pa kami, matatagalan bago matapos ang taping, mas matagal ko siyang makakasama. Mas matagal ko siyang makakasama, mas makokonsensya ako.
"Diretso na lang po." I answered almost immediately.
Tumango naman si Direk sa akin, ngunit nilingon ang tahimik kong co-star. "Ikaw, Nash. What do you think?"
Anakng. I glared at him to make my point come across. But he just ignored my eyes and focused on our director.
"Practice na lang po muna tayo. Matagal-tagal na rin po kasi simula nang magtaping tayo. Medyo kinakalawang na po ako." he reasoned.
YOU ARE READING
Twisted and Turned. { NashLene }
Hayran Kurgu[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original loveteam?