Truth or Dare
Mula sa Iloilo City ay nagtungo kami sa probinsya ng Concepcion kung saan kami magpapalipas ng gabi. Malayo-layo ito sa syudad kaya matapos namin mananghalian ay balik byahe uli kami.
I sat beside Donny inside the coaster. Dahil sa haba ng byahe ay marami kaming nagawa. We watched movies, talked, and slept. We arrived in Concepcion in time for dinner. Dahil malapit sa dagat ang aming hotel ay doon kami naghapunan. Gumawa ng bonfire ang ibang crew dahil may dala silang marshmallows at plano ng mga itong magluto ng s'mores.
Syempre, dahil foodie ako, sumali ako sa kanila. Nagbihis sina Donny at Joao sa hotel, samantalang si Sofia at Julian naman ay nagkakaraoke sa cottage. Masayang nagkwekwentuhan ang mga kasama ko habang ako naman ay tahimik na kumakain ng marshmallows.
My eyes roamed around the place. Ang ganda-ganda talaga rito. Concepcion is a breath of fresh air from Manila. Dito tahimik, simple ang pamumuhay, at mas malapit sa kalikasan. Sana dito na lang pala ako nagsoul searching nun. Hindi pa ako naistorbo nina Julian, Sofia at Donny, pero sabi nga nila, things happen for a reason. Kung dito ako pumunta, baka hindi kami naging ganito ni Donny, baka umaasa pa rin akong mabalikan ni Nash.
"Mind if I join you?" a familiar voice asked.
I looked up and saw Nash holding a stick. I nodded and gave him room, "Sure."
Kumuha rin ito ng marshmallow at pinainitan sa bonfire. He already changed in a comfortable outfit, nakahoodie at tsinelas na ito. Napakasimple ng kanyang pananamit, pero grabe pa rin ang appeal nito. Kahit siguro pasuotin ito ng sako o di kaya'y basura, madadala niya pa rin ito.
"Ang ganda rito no?" pag-uumpisa ko ng usapan para hindi naman awkward.
His eyes were on the flames, "Napaka. Sana bigyan tayo ng time nina Direk para makapag-explore after ng taping." aniya habang pinipihit ang kanyang stick.
"Sana nga. Dinig ko maraming pwedeng gawin dito."
"Talaga? Nakaka-excite naman pala rito." he said.
Kinuha ko na ang aking marshmallow at inipit ito sa graham crackers na dala nila. Hinipan ko ito ng kaunti bago kinagat. Yum! Sira na naman diet ko.
"Uh, Shar?" pagtawag niya sa akin.
"Oh?" sagot ko, abala pa rin sa pagkain ng aking s'mores.
"Ano..." he trailed off.
Napatingin na ako sa kanya dahil mukhang seryoso ito, "Kayo na ni Donny?" seryoso nitong tanong.
Goodness, I almost choked on my food. Napaubo ako sa gulat at hiya.
"I'm sorry, was I too fast?" aniya habang hinahagod ang aking likod.
I will be a liar if I say that he doesn't have an effect on me anymore, until now, his touch still sends volts to every cell in my body. Matatagalan pa nga siguro bago tuluyang mawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
I raised my hand to stop him from caressing my back and I'm glad he did. May epekto pa rin siya sa akin, oo, pero hindi na katulad ng dati. The kilig is now a lot subtle than before.
"Ano ba naman yan, Nash." I laughed a bit, "Nakakagulat naman yang mga tanong mo." I tried so hard to not sound awkward.
He scratched his nape, "Sorry. Just forget it na lang. Ayaw kong masira ang mood natin." he shyly said.
Mood natin? Now that I think about it, this is the first time we've been alone again. Dati kasi may Sofia, may Julian, Donny, and... Alexa. Right now, just like the old times it's just him and I.

YOU ARE READING
Twisted and Turned. { NashLene }
Fanfiction[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original loveteam?