Chapter 6: Whoopskeri

1K 32 3
                                    

YOHAN

whoopskeri whoopskeri whoops every time I see youuu~ whoopskeri whoops Keri whoops I want to know you~

Ang ganda ng umaga ko ngayon kasi e-stalk ko na naman si Shield! lalalalala~ Pagkatapos kong maligo pumunta ako sa dining at saka nagluto na para kumain. Maaga umalis si Shield at hindi ko alam bakit.. hmm I smell something fishy 

Prinito ko ng maayos ang isda at saka kumuha ng kanin tas nilagay sa plato ko. Hindi ko mapigilang hindi mapakanta tuwing sumasagi sa isip ko kung saan ako pupunta ngayon. Hehehehe

whoopskeri whoopskeri whoops every time I see youuu~ whoopskeri whoops Keri whoops every time I see you~ 

Sinayaw ko pa ang stepping niyan ah!! Ganda kasi! Sino kaya nakaisip na ipangalan yun sa isang lugar? Ang unique! 

After ko kumain hinugasan ko ang plato ko at saka ko naisipang umalis. Hindi muna ako didiretso dun sa whoopskeri dun muna ako sa school hehehehe 

"PAAAAAAAAAAAU!!!!" 

"Langya ka yohan! ba't ka ba sumisigaw!?" Hehehe galit na naman po si Pau Pau.

"WALA LANG TATANUNGIN KO SANA KUNG MAY KLASE KA NGAYOOOON" 

"Wala bakit baa?" Naiingayan ata si pau pau sakin kasi tinatakpan niya ang tenga niya. Masyado ba malakas boses ko? Ay bahala na! Sanay naman na mga estudyante dito sa bunganga ko eh.

"SAMAHAN MO KO PAU"

"Ano?" 

"SAMAHAN MO ACHUUEEEE XD" 

"SAAN?" Ayan na pati sya nasigaw na rin!

"SA PUSO MUE HAHAHAHAHAHA" 

"Gusto mo ng batok?" 

"HEHEHEH SYEMPRE JOKE LANG. MAMAYA KO NA LANG SASABIHIN BASTA SAMAHAN MO KOOOO" Ngumiti ako ng malapad siniko ang braso ni Pau Pau. "CHEGE NAAAA" pangungulit ko pa.

"Ang ingay mo rin e. May magagawa pa ba ako?" Yan ang Pau Pau ko!! Hinding-hindi ako hi-hindian! Kaya lab na lab ko siya ih! 

***

"Anong lugar to? whoopskeri?" Ngumuso ako sa tanong ni Pau at saka tumango. Nagcrossarms siya habang nakatingin sa lugar at saka hinawakan ang braso ko. Ano pa edi syempre tatago kami! Gusto ko talaga 'to kasi para kaming mga agents na may secret mission. Ang kaso nga lang, kay Shield ang mission. Medyo nakakaturn off siya.

"Bakit tayo—"

"Shhh!" Ano ba naman to si Pau Pau di pa nga ako tapos mag salita eh tinakpan na kaagad ang bibig ko. Sinundan ko ang tingin ni Pau Pau at ngayon nakatingin kami sa mga lalaki na nagsisidatingan sa isang bar. Oo may bar dito sa whoopskeri. 

At ang hindi ko parin gets e...

Ba't ang ganda ko? 

char lang! HAHAHAHAHAHAHA 

Mga magagarang sasakyan pa ang dumating sa tapat ng bar na nakapagpaintrega sakin ng bonggang-bongga. Tumingin ako kay Pau bago niya tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. 

"Sino sila?" tanong ko sa kanya. 

"I don't know either. Hindi tayo makakapasok sa bar na yan kung wala tayong pass." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Pass as in password? 

"Meron naman ah?" Oo meron naman talaga. May twitter kaya ako at dun ko pinopost lahat ng hinanakit ko 'tsaka diba may password ang twitter? Meron din akong IG at Facebook. 

Ano ba naman to si Pau Pau napakaignorante na naman. 

"May pass ka?" 

"Oo meron. Diba sa twitter, ig at facebook may password yun? Baka yun din ang password diyan—ARAAAY! BAT KA NAMBABATOK!!" Ano ba naman 'to. Feeling ko battered friend na ako ngayon 

THE FATE OF THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon