Chapter 8: Secret

790 29 3
                                    

YOHAN

Maggagabi na pero hindi pa din nakakauwi si Shield. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan ko. Prenepare ko yan para sana sa kanya at saka magkukwento narin sana ako sa kung ano ang nakita ko dun sa whoopskeri pero wala padin siya.

"Asan na ba yung baklang yun." It's already 8 pm.

Pumunta na lang ako sa sala at saka in-on ang tv at nanuod ng random movies habang inaantay siya. Wala ata siyang balak na umuwi ngayong gabi. Minsan kasi ganyan si Shield, minsan hindi siya umuuwi kasi busy sya sa trabaho kaya ako lang mag-isa sa bahay.

Medyo sanay naman na ako.

"Ang boring," mahinang bulong ko sa hangin at saka humiga nalang sa couch at tumingin sa kesame. Ang boring talagaaaa!!

Kinuha ko yung cellphone ko at nag laro na lang ng ludo para mawala ang kaboringan dito sa loob ng bahay. In-on ko narin yung speaker at saka nagpamusic para mawala yung bad vibes. Ayokong mainis no. Baka matulad ako kay Pau Pau na pati ibang tao pagbubutungan ng galit- mahirap na.

Nakanguso ako habang naglalaro ng ludo— AY GAGI!! PANALO YUN EH!! NAMALI LANG AKO NG TAPON DUN SA DICE AAAAAAA SAYANG!!

"I'm home." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Shield na hinubad ang coat niya at saka yung necktie niya.

"You're 1 hour late Mr. Vaughn," sabi ko habang nakanguso. Tumabi si Shield sa akin at ngumiti. "Oh shut up. Hahahahaha" Ayan na naman ho sya ginugulo na naman po niya ang buhok ko.

"Ihh saan ka kasi galling at super late ka na nakauwi?" nakangusong tanong ko sa kanya pero yung mata ko nakatingin parin sa phone ko at seryoso na naglaro ng ludo.

"What are you playing?"

"Kailangan ko na ba gumawa ng rules na pag nasa bahay bawal ang English?"

"Fine. Ano ang nilalaro mo?"

"Ludo."

"My question is long and you'll just answer me that short?" Hala tama naman talaga ang sagot ko ah? Naglalaro ako ng ludo, yun. Ludo naman talaga ang nilalaro ko. Vaklang to

Tumingin ako kay Shield. "Vaughn."

"Fine! Whatever." Tumayo si Shield galling sa pagkakaupo sa couch at saka pumuntang kusina para kumain. Oo ganyan siya parati. Hindi nga ako nakakatnggap ng kiss diyan pag nakauwi siya kasi pagkain kaagad hinahanap niya.

Ang sweet diba? Sarap hampalusin ng ludo

Chat HA.HA.HA.HA

Binulsa ko ang phone ko at saka tsaka ipinikit ang mga mata ko. Kahit andito na si Shield ang boring parin. Hindi ko alam bakit pero feeling ko lang ang boring talaga.

"Oy shield!"

"Hmm?"

"Use guava in a sentence?" Natahimik si Shield kaya binuksan ko ang mga mata ko. "Shield?" Umupo ako sa couch at lumuhod sa upuan para panoorin siyang kumakain.

"HOOOY USE GUAVA IN A SENTENCE NGAAAAA!! SHIELD NAMAN EH!"

"I can't think of any."

"ANG GANDA NG GUPIT MO MASAGUAVA?"

Tiningnan ako ni shield at umiwas ng tingin. ABA ABA!! Tumayo ako galing sa pagkakaluhod sa couch at saka pumunta kay shield.

"Tumawa ka naman bwesit ka!"

"HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA that's so hilarious HA-HA-HA-HA'"

"Alam mo kahit kailan talaga, super yawa ka."

THE FATE OF THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon