Katana
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba. Mukhang sila ate at mama na naman.
"Ano na naman kayang pinag-aawayan nila?" Wika ko habang kinukusot ang aking mata.
Tinignan ko muna ang cellphone ko para tignan kung anong oras na pero iba ang kumuha ng aking pansin.
*JM Constancia sent a message.*
Dali-dali kong binuksan ang message niya saka ito binasa.
"Slr!! grabe ka sakin hahaha."
"Ok lang. Sanay na kong binabaliwala dejk lang HAHAHA."
"Hugot ba yan?" Ayy hindi. Binaon ko nga eh. Sarap kayang magbaon ng magbaon tapos kyaahh di po ako fuckgirl ah?
"Di ah HAHAHA."
"Nahanap mo na JM mo?" Oo nga pala. Hahanapin ko pa si Mr. Ideal man ko huhuhu.
"Hindi pa nga eh."
"Sabi sayo eh. Ako na lang hahaha jk." Lakas talaga nitong lalaking ito. Pagtripan ko rin kaya?
"Hala? Bakit may joke? Charing HAHAHAHA." Loko lang. Loyal ako kay Mr. Ideal man.
Pero bakit parang kinikilig ako kahit alam kong lokohan lang ito. Napahawak ako sa aking labi dahil sa kusang pagguhit ng ngiti nito.
Itigil mo Katana. Lagot ka sa kuya mo pagnagkataon. Waahh.
"Seryoso?"
"Charing nga lang eh." Masyado mo naman yata niyang sineryoso yung sinabi ko. Crush siguro ako nito.
"Sus. Ulitin ko na lang." Ano na naman kayang pinagsasasabi nito.
"Ang alin?"
Ayy sineen lang ako ng loko oh. Aba! Talagang pinanindigan ang pagiging famous eh.
"Mga bebe, baba na. Kakain na!" Sigaw sa amin ni mama. Ewan ko ba kung anong trip ni mama sa buhay kung bakit bebe ang tawag niya sa amin.
Naghintay pa ko ng ilang minuto baka kasi magreply pa siya pero mukhang seen na lang talaga ko.
Pinatong ko sa kama ang aking cellphone saka tuluyang bumangon sa kama. Naglakad na ako patungo sa pinto ngunit tinignan kong muli ang cellphone ko bago tuluyang lumabas.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man Exists
Teen FictionMeet Katana Shin. Isang simpleng babae na mahilig magdaydream ng kaniyang Ideal Man. Taong naniniwala sa salitang "Tadhana" Paano kapag nakita niya ang Ideal man niya at taong pinaniniwalaan niyang itinadhana sa kaniya? Nang sabay? Uhm, Let's see!