Katana
/baby watusi,
is what you get
1 2 3
Then 4 5 6
At 7 8
9 shalala/
(Nobody's better: Wamp O eber version)
"Ano ba yan? Napaka-ingay naman nitong cellphone ko na to." Agad kong pinatay ang pag-alarm sa aking cellphone saka humiga ulit sa aking kama.
Ipipikit ko ulit sana ang aking mga mata ng may bigla akong naalala. Dali-dali akong umupo at kinuha ang aking laptop.
"Wahh. Online siya! Online siya!" sigaw ko nang sinerch ko ang kaniyang pangalan.
"Kat lower your voice." Rinig kong sigaw ni daddy sa kabilang kwarto. "Sorry daddy." Tinakpan ko kaagad ang aking bibig upang hindi na makapag-ingay pa.
"Ok. Katana kaya mo yan!" wika ko sa aking sarili.
"Hi po kuya?" Send. Paano kung hindi niya ko maalala kasi naaksidente pala siya kagabi bago umuwi sa kanila? Paano kung may girlfriend na pala siya? Paano kaya kung di niya ko pansinin? Paano kung --
"Yes?" Napatigil ako sa bilang lumabas ang pangalan niya sa screen.
Nataranta ako dahil sa hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Anong gagawin ko? Anong irereply ko? Ok relax.
"Ikaw ba yung yung lalaki kagabi?" Ang feeling close ko namang tignan. Delete delete.
"Hoy! Sumagot ka nga. Ikaw yung ba yung sa resort kagabi ha? Ano?" Parang ang angas ko naman dito. Ulit. Delete delete baka mabanatan pa ko nito.
"Kuya, ano po? Kayo po ba yung sa resort po?" Bakit puro po? Delete.
Uhm, napahawak ako sa aking baba na para bang nag-iisip talaga. Alam ko na.
"Tanong ko lang po kung kayo yung nasa may resort kagabi?" Yan perfect. Send.
Typing..
Typing..
Typing..
"Anong resort?" Paktay na! Di kaya naaksidente talaga itong tao na ito? O sadyang makakalimutin lang siya?
"Yung sa may debut po?" Sana naman maalala mo na. Please.
"Hindi ako yun hahahaha." Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano daw? Hindi daw siya? Hala bakit sobrang kamukha niya?
"Ganon po ba? Sayang naman!" Bakit ba kasi hindi pa ikaw yon? Maghahanap na naman ba ko? JM pahamak ka! Kung hindi lang talaga ikaw ang nakatadhana sa akin, nako nanonood na sana ako ngayon ng kdrama.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man Exists
Teen FictionMeet Katana Shin. Isang simpleng babae na mahilig magdaydream ng kaniyang Ideal Man. Taong naniniwala sa salitang "Tadhana" Paano kapag nakita niya ang Ideal man niya at taong pinaniniwalaan niyang itinadhana sa kaniya? Nang sabay? Uhm, Let's see!