Eunice
"Kyaahh, CJ!!!! Bwiset ka!!! Kyahh" Sigaw ko habang niyuyugyog ko ito. Kasi naman, kinikilig ang lola niyo dahil umamin na yung crush ko kanina na crush niya rin ako. Sarap sa feeling.
"Ate ano ba? Para kang tanga." Iritang sabi niya habang inaayos ang damit niyang halos mapunit na.
Inirapan ko lang siya saka dumeretso sa may garden kung saan nagpapahangin si mama. Mukha kasing wala akong mapapala sa kapatid ko.
"Ma, may magandang balita ang magandang anak niyo." Sigaw ko habang papalapit sa kaniya.
"Anak lang, walang maganda." seryosong wika ni mama sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin saka akmang aalis na.
"At saan ka pupunta? Binibiro lang kita, ikaw naman." natutuwang sabi niya. "Ano naman ang magandang balita ng maganda kong anak?"
Napangiti ako at umupo sa tabi niya. "Ma, hindi ka maniniwala sa ibabalita ko. Yung crush ko ma."
"May girlfriend na? Hays, kawawa naman bebe ko. Ok lang yan, maganda ka naman diba? madami pang iba dyan." Hinaplos-haplos niya ang aking buhok at nginitian lang ako. "Makakaya mo din yan."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. "Grabe ka naman ma, wag mo namang pangunahan. Tsaka hindi ganon ma."
"Eh ano?"
Lumapit ako sa kaniya nang bahagya. "Ma, sa sobrang haba ng buhok ko, crush niya rin ako. Kyahh." inalog-alog ko ang lamesang nasa aking harapan dahil sa kilig.
"Yun pala yung dahilan kaya mukha kang uod na inasinan kanina." Nagulat ako dahil sa parang kabute si CJ na sumulpot sa likod ko. Naglakad siya patungo sa lamesa sa harapan ko at saka umupo.
"Oh? Anong ginagawa mo dito? Wala kang friends?"
"Mukha mo, walang friends." Binatukan ko siya nang pagkalakas-lakas.
"Walang friends mo 'to." Sabi ko saka tumawa nang malakas.
"Patingin nga ako nung picture." Wika ni mama kaya't kinuha ko agad ang cellphone sa aking bulsa saka pinakita sa kaniya.
"Ano ma? Kamusta?" Nakangiting tanong ko kay mama.
"Eto na ba yun?" nagulat ako dahil sa hinablot agad ni CJ ang phone na nasa kamay ko.
"Ano ba, epal ka?" inis kong sigaw sa kaniya. "akin na yan."
"Kawawa naman siya, napunta sa isang taong katulad ng kapatid ko. Mukha pa naman siyang may pangarap sa buhay." Wika nito na kunwaring medyo malungkot.
Aba, anong akala niya sa akin, walang pangarap sa buhay at pariwara?
"Kupal ka talaga. Paano naman yung mga babaeng niloko mo? liligawan mo tapos iiwan din."
"For your information ate, ginusto nila yun at sila pa nanligaw sa akin. Di ko na kasalanan na habulin talaga ko." Ngumisi pa ang kupal saka kumindat.
"Blah blah blah blah." wika ko na parang si Mr. Bean at umakting na parang zombie.
"Loko 'to ah! Mukha kang may epilepsy oy!" Binatukan niya ko dahil mukhang nainsulto ko ang fav. cartoon niya.
Tinawanan ko lang siya saka binaling ang tingin kay mama. "So? Musta ma?"
"Kung saan ka masaya." napataas ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ok lang ba sa kaniya o inaasar ako.
"Alas syete na pala, dyan na muna kayo at magluluto na ko." Tumayo si mama at naglakad papasok sa bahay.
"Anong nangyari don?" Tanong ko kay CJ habang pinagmamasdan si mama na papasok.
"Ewan ko, siguro naawa din."
"May problema ka ba boy?" Maangas kong sabi sa kaniya at kwinelyohan.
"Oo, ang pagiging macho ko." Tinaas niya pa ang kaniyang braso para makita ko ang muscles niya.
"Tindi mo." Tinulak ko siya at kinuha ang phone na nasa kamay niya.
Matext na nga lang si crush. May mapapala pa ko. Napaayos ako nang pagkaka-upo dahil may text message na mula sa kaniya.
"Omg!" Kinikilig kong wika at agad kong binuksan ang message niya na may ngiti sa labi.
HAPPY APRIL FOOLS!
Nawala ang ngiti ko nang pagkabasa ko ng message niya. So? Yung kanina pala, kasinungalingan lang. Yung pag-amin pala niya di totoo. Sakit bes. Bakit di ko kasi agad na laman na april 1 pala ngayon.
"Oh, bakit naging ganiyan mukha mo?" Tanong ni CJ sa akin.
"Wala ka na doon." Mataray kong sabi sa kaniya. Tinaas ko ang mga tuhod ko saka pinatong ang ulo ko dito.
Naramdaman kong kinuha ni CJ ang phone na nasa aking kamay. Panigurado magtitripan ako nito. In 3 - 2 -
Narinig ko ang malakas na tawa ni kupal. Sabi ko na nga ba eh.
"Yung feeling na umamin si crush na crush ka niya." Natatawang sabi nito. "Pero april fools pala." Napatingala ako at tinignan ang kapatid ko na namumula na kakatawa.
"Letche ka! Malagutan ka sana ng ugat sa leeg!" Hindi niya ako pinansin bagkus ay patuloy pa rin ito sa pagtawa.
"Tumigil ka na nga. Sinabi niya lang yan ngayon para akalain kong nagbibiro lang siya. Galawan nila yon."
"Weh? Happy april fools." Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka kung ano pa magawa ko sa kupal na 'to.
Nakita kong papalapit si papa sa amin kaya't umayos na ako ng upo.
"Nakita niyo ba kapatid niyo?" Seryosong tanong ni papa nang makarating siya sa amin. Napatigil naman si CJ sa pagtawa at umayos ng upo.
"Hindi dad. Wala ba sa kwarto niya?" Tanong ni CJ saka tumingin sa paligid.
"Oo nga pa, baka natutulog lang don kaya di niyo napansin." Imposibleng wala yun dito dahil kanina pa ang labasan nila.
Umiling lang si papa at pumasok na ulit sa bahay.
"Hindi kaya?" Tumingin siya sa akin. "F*ck." Wika nito at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.
"Yah! CJ." Tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa akin.
"Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Baka may ginawa lang sila sa school." Mahinahon kong sabi. "Hintayin na lang natin siya saglit pero kung hindi pa rin siya nabalik. Do what you want."
"Tss." Naglakad ulit siya pabalik at umupo. Nakita kong kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Katana.
"Nakaoff phone niya." Seryosong wika nito. "Saan na naman kaya pumunta yon? Lagot talaga siya sa akin pag-uwi niya."
Ilang minutong paghihintay ay may narinig kaming pagbukas ng gate. Nakita namin si Katana na dahan-dahang naglalakad papasok ng bahay.
"Sis." Tawag ko sa kaniya bago pa lamang siya tuluyang nakapasok. Nakita kong medyo nagulat siya dahil hindi niya siguro inaasahan na nandito kami. Napatayo naman siya nang maayos at dahan-dahang humarap sa amin.
"H-hi?" Ngumiti siya ng pilit at tinaas ang kanang kamay.
"Come here." Utos sa kaniya ni kupal. Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa mukhang batang takot na takot si Katana ngayon. Pinagpapawisan siya at mukhang kinakabahan.
Galingan mo sa pagpapaliwanag sis, kaya mo yan!

BINABASA MO ANG
My Ideal Man Exists
Novela JuvenilMeet Katana Shin. Isang simpleng babae na mahilig magdaydream ng kaniyang Ideal Man. Taong naniniwala sa salitang "Tadhana" Paano kapag nakita niya ang Ideal man niya at taong pinaniniwalaan niyang itinadhana sa kaniya? Nang sabay? Uhm, Let's see!