Katana
"Babaita nasan ka na ba? Ang bilis mong tumakbo kaya hindi kita naabutan."
"Wala famous 'to. Di namamansin."
"Akin si Lee sung kyung sige ka!"
"Hoy ang ganda ko. Saang lupalop ka ba ng mundo napunta?"
Walang tigil na tunog ng cellphone ko dahil sa sunod-sunod na text sa akin ni Lokaret.
"Sorry lokaret, wala lang talaga ako sa mood ngayon." Wika ko saka pinatay ko muna ang cellphone ko para hindi muna ako maabala nito.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa paligid kung saan ako pinunta ng aking mga paa.
Hindi ako masyadong pamilyar dito sa lugar na ito pero mukhang nandito ako ngayon sa pinakalikod ng school kung saan walang masyadong nadaan na estudyante.
Humiga ako sa may damuhan at saka pinikit ang aking mata. Sakto, tahimik at payapa ang lugar. Walang problema.
**
"Miss?" Rinig kong boses mula sa isang lalaki.
"Miss, excuse me?" Wika ulit nito na may pagdutdot pa talaga sa aking tyan.
Inis kong minulat ang aking mata. Isang matandang lalaki ang tumambad sa aking harapan. Agad naman akong napatayo at inayos ang aking sarili.
"Miss, anong ginagawa mo dito? Gabi na oh. Kanina pa nag-uwian ang mga estudyante. Hindi ka pa ba uuwi? Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni kuyang guard habang nakatutok sa akin ang flashlight na kaniyang dala.
"Sorry po. Nakatulog lang po." Sumuko lang ako bahagya saka naglakad palayo. Napatingin ako sa kalawakan. Ang dilim na pala talaga. Ano na kayang oras na?
Tumingin ako sa relong suot ko. At sa hindi ko inaasahan, maga-alas-otso na pala ng gabi.
Tumakbo na agad ako palabas ng campus. Paktay ako nito. Bakit kasi inabot ako ng ganitong oras? Ang alam ko, umidlip lang ako saglit tapos ang tagal na pala.
"Oh, road to forever oh, sakay na! Oh, kasya pa, kasya pa. Konting usod mga single dyan oh." Wika ni kuyang barker. Nakakatuwa lang kasi ganon siya magtawag ng pasahero niya.
"Bes, diba siya yung bitchy girl ng school natin?" Natuon ang aking atensiyon sa dalawang babae sa aking harapan.
"Wag kang maingay bes, baka marinig ka niyan. Nasa likod lang natin siya." Sita naman ng kaibigan nito.
Umusod lang ako ng konti para makalayo sa kanila. Ayoko nang away lalo na't nasa higher section pa naman ako. Tsaka magagalit sa akin si Bambam kapag nagkataon. Good girl pa naman ako.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man Exists
Teen FictionMeet Katana Shin. Isang simpleng babae na mahilig magdaydream ng kaniyang Ideal Man. Taong naniniwala sa salitang "Tadhana" Paano kapag nakita niya ang Ideal man niya at taong pinaniniwalaan niyang itinadhana sa kaniya? Nang sabay? Uhm, Let's see!