Kabanata 3

521 48 26
                                        

Katana

"Wait, ano daw?"  Pabebe muna no. Wag muna sunggab ng sunggab. Itaas ang bandera ni Maria Clara.

"Bakit pa kasi yung kambal ko pa? hahahaha

"Kaloka ka! Magtigil ka nga, baka magalit sa akin JM ko HAHAHAHAHA." Baka ikulong ako sa cabinet non tapos pagtingin ko sa gilid ko may naiyak na kung ano. Tapos mamamatay ako sa takot tapos paano na ang buhay ko?

"Di magagalit yon, wala namang magsasabi eh hahahaha." Napakasama naman nitong tao na ito. Gusto talaga akong mamatay.

"Bad. HAHAHAHA. Dyan ka na nga, hahanapin ko pa JM ko."

"Bakit ba kasi siya pa hinahanap mo? Nandito lang naman ako."

"Siraulo ka HAHAHAHA." Nakakakilig na itong lalaki na ito kaloka.

Hinintay ko siyang mareply kaso sobrang tagal kaya naisipan kong magpaload ulit para matext ko si lokaret.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko ang kuya ko na nasa sala. Paktay na!

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob at saka dahan-dahan akong naglakad mula sa likuran nang nakatingkayad. Sana hindi niya mapansin.

Go Katana kaya mo yan! Malapit ka na sa pinto. Konti na lang.

"At saan ka pupunta?" Napatigil ako ng marinig kong magsalita si kuya. Huli ka balbon.

"Dyan lang kuya, sa may tindahan." Wika ko habang nakamot sa aking batok at nakatungo.

"Anong gagawin mo?" Tanong nito habang nanoood pa rin ng paborito niyang palabas. Ang walang kwentang si Mr. Bean.

Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan niyan sa taong yan eh. Para ngang may saltik.

"Bibiling pagkain." Palusot ko. Baka kasi pagsinabi kong magpapaload ako, boyfriend ko na agad isipin nito.

"Maraming pagkain dyan sa ref natin." Masungit na sagot nito.

Ok Katana. No choice. "Papaload ako kuya kasi wala kong magawa. Wag kang mag-alala si Guineeve naman katext ko at wala akong boyfriend kasi di ko pa nakikita este nasa korea pa siya."

"Go. 5 minutes." Pagkasabi niya nito ay agad akong tumakbo palabas. Patay kasi ako kay kuya kapag hindi ako nakabalik ng oras na binigay niya. Nakakatakot pa naman magalit yun.

Ilang saglit, nakarating na agad ako sa tindahan at kung mamalasin ka naman talaga oh. Sobrang daming nakapila sa tindahan.

Anong gagawin ko? Magpanggap kaya akong may epilepsy tapos kailangan kong magpaload para tawagan nanay ko? Nah. Kilala ako dito sa amin eh. Iba na lang!

My Ideal Man ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon