Kabanata 1

784 63 14
                                        

Katana

"Lokaret, tignan mo yun oh!" Wika ko habang tinuturo ang isang lalaki.

"Oh? Anong meron?" Tanong niya nang makita niya ang lalaki na aking tinutukoy.

"Siya na yata ang Ideal Man ko." Kinikilig kong sabi habang hinahampas ang balikat nito.

"Ayan ka na naman sa Ideal Man mo. Pang-ilan mo na yan?" Inirapan niya lang ako saka naglaro ulit sa kaniyang cellphone. Kahit kailan talaga, parang lagi siyang meron. Init lagi ng ulo. 

Hindi ko na lamang siya pinansin. Ibabaling ko na sana ulit ang aking tingin kay kuyang nakatadhana sakin kaso nakatingin na pala siya sa gawi ko.

Agad kong binawi ang ang aking tingin at saka tumingin sa kawalan. Feeling ko namumula na ko ngayon.

"Ladies and Gentleman, let's proceed to 18 roses." Napakahinga ako ng maluwag dahil sa biglang salita ng emcee. Tinignan ko ulit ang gawi ni Mr. Ideal Man at ito'y nakatingin na sa harapan.

Teka lang, kasama kaya siya sa 18 roses? Sana oo para naman malaman ko kung anong name niya. Tsaka sana rin maganda apelyido.

"Tinatawagan ko si Mr. Lance Temperikit para sa unang rosas." Tinignan ko kaagad siya kung siya na yon ngunit hindi. Ok lang, kakasimula pa lang naman.

"Thank you Mr. Lance, Next, Mr. Mark Bunsod." Tinignan ko muli siya hindi pa rin siya natayo.

Hala? Bakit hindi pa siya natayo? Sige, keri pa. May 16 roses pa.

"Next, Mr. Ken Tutero." Napatawa ako dahil sa pangalan ng tinawag. Grabehan naman kasi mga apelyido ng mga to. Nakakaloka.

Ilang minuto, madami ng lalaki ang natawag pero hindi pa rin ang Ideal Man ko. Nawawalan na ko ng pag-asa.

"Mr. Brent Cotabato." Nabuhayan bigla ako ng dugo dahil biglang siya tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

Siya na kaya 'yon? Brent ba pangalan niya? Bakit ganon ang apelyido? Please, sana namali lang basa yung emcee. Ayokong maging Mrs. Cotabato. Bawain niyo.

Ilang saglit ng pagmamakaawa, gumuhit sa aking mukha ang saya dahil tumayo lamang pala siya upang makadaan ang ibang lalaki mula sa kaniyang likod.

"Salamat naman." wika ko sa aking sarili.

"Hoy, anong pinapasalamatan mo diyan? May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Nagulat ako sa nagsalitang lokaret sa tabi ko.

"Baka mamaya babaita, bigla kang sapian dyan. Nako, iiwan talaga kita." Dagdag pa nito.

"Anong sapi?"

"Hello? Kanina kapa dyan ngumungiti tapos bubusangot tapos ngingiti ulit. Nakakatakot ka na ah?"

"Pake mo ba? Dyan ka na nga!" Agad akong tumayo saka naglakad patungong banyo.

Nakakainis dahil mukha hindi siya kasali sa 18 roses. Sakit palang umasa.

"And last, Mr. JM Cons------" 

"Ayy bastos." sambit ko pagkatapos kong madapa dahil sa hindi ko napansin na may maliit na humps pala sa aking dinaanan. Tinignan ko ang aking paligid at nakita kong may ilang nakatingin sa akin.

Tatayo na sana ko nang makita ko ang lalaking kanina ko pa pinapantasyahan na naglalakad tungo sa debutant.

Nanlaki ang aking mga mata at para bang ako'y nanigas sa aking kinauupuan.

Wait? Ano daw? Sino daw siya? JM Cons ano daw? Aish. Wrong timing naman oh! Si Mr.Ideal Man na yon eh. Nakakainis. Kung minamalas ka nga naman!

Agad akong tumakbo pabalik sa pwesto para matanong ko kay lokaret kung ano ang pangalan niya. Sana naman nakinig siya.

"L-lokaret, a-ano daw name?" Hinihingal kong tanong. Please, sana alam mo.

"Nino?" Tanong nito habang busy sa paglalaro sa kaniyang cellphone.

"Yung lalaking tinuro ko kanina!"

"Ahh, JM daw."

"JM ano?" Please, sana nasa matinong katinuan ka.

"Aba malay ko. Mukha ba kong may pake? Basta JM pangalan niya." Masungit na sabi nito. Nanlumo akong umupo sa aking upuan at pinagmasdan siyang nakikipagsayaw sa debutant.

Paano na yan? Libu-lobong JM sa mundo, paano kita mahahanap? Pahirapan to.

Pero hindi, kaya ko to. Isesearch ko lang yung JM tapos lalabas ka na. Tama! Think positive Katana.

**

Ano ba naman 'to, ilang oras na ko naghahanap. Papahirapan mo talaga akong JM ka? Kanina pa ko scroll down tapos pindot kung ikaw na yon kaso bokya eh.

Napahilata na lang ako sa kama at napatulala sa kisame. Makikita ko pa ba siya? Lord, sana siya na yung nakatadhana sakin. Please. Kayo na po ang gumawa ng paraan para sa akin.

Pinahinga ko muna saglit ang aking mata saka bumangon ulit mula sa aking pagkakahiga. Sana ngayon, makita na kita.

"JM Cons." Pumikit muna ko at nagdasal. "Kung nakatadhana talaga, makikita mo siya." sambit ko sa aking sarili.

Dahan-dahan ulit akong nagscroll down hanggang sa may pumukaw ng aking pansin. "S-siya na kaya ito?" Gulat kong tanong sa aking sarili. Halos dikit na dikit na ang aking mukha sa screen.

JM Constancia? Thank you lord. Finally! I found you Mr. Ideal Man, my destiny.

Dali-dali ko siyang in-add kahit hindi pa rin ako makapaniwala.

Hays, Ikaw na ba talaga yan? Ikaw ba? Sana ikaw na nga! Ayokong umasa.

Ilang saglit, nagulantang ang inosente kong katawan dahil sa pagtunog ng laptop ko na para bang may nagnotif.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay halos lumuwa ang aking mata sa aking nakita. Totoo ba ito? Nanaginip ba ko? Sana hindi.

Pinanis ko mga magagaling na dancer dahil kilig na nararamdaman. Di ko kinaya para na talaga kong may sapi dito.

Ok katana kalma lang. In-accept ka pa lang, hindi ka pa inanakan. Easy! Darating tayo dyan.

Inayos ko muna ang aking sarili bago ako humarap muli sa aking laptop.

Paano ko ba sisimulan? Wait. Nakakaloka.

"Hi thank you po sa pag-accept." Nah. Masyadong common.

"Kuya, active liker po ako. CF to CF po." Ano ba yan, mukha namang ang famewhore ko nito.

"Uhm, eLLoW pOe,,, qAndAnq GabI,,, usTa pOe?,," Lanya, delete delete. 2017 na katana jejemon ka pa rin?

"Kuya! Hawak ko pamilya mo!" Delete ulit. Para namang bogus ko tignan.

Di ko na talaga alam saan ko sisimulan. Kung bukas ko na lang kaya siya ichat para mahaba araw namin?

Tama! Bukas na lang para matagal kaming mag-uusap. Pinatay ko kaagad ang laptop at saka humiga sa kama.

Sana maging maganda resulta bukas. Tiwala lang!

My Ideal Man ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon