Kabanata 6

313 21 2
                                    

Katana

"Sis gising na!" Rinig kong paggising sa akin ni ate habang niyuyugyog ako.

"Alam kong gising ka na! Bumangon ka na baka malate pa tayo." Inis na sabi sa akin ni ate.

Tinakpan ko lang ang buo kong katawan ng kumot. Nakakatamad pang bumangon, feeling ko kasi ay yakap ako ng kama ko at ayaw akong paalisin.

"Ahh ganon? Di ka tatayo dyan?"

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagtulog ko.

"Ok madali akong kausap." Wika niya. Naramdaman kong padabog siyang umalis sa tabi ko.

Hays. Buti na lang wala nang mangungulit sa akin. Pinikit kong muli ang mata ko at saka nagdaydream sa ideal man ko.

Habang nasa kagitnaan ng pagdadaydream ay may narinig ako na parang napunit na papel.

Agad kong inalis ang pagkakatalukbong sa akin at tinignan ko kung saan nanggaling ang tunog. Nanlaki ang mata ko at agad na napatakbo dahil sa aking nakita.

"Waaahhhh, ate! Anong ginawa mo? Waahhh." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang hawak ang poster ni JB na pinunit ni ate.

"Oh? Andyan ka na pala. Bilis makabangon ah? Hintayin na lang kita sa baba sis. Mag-ayos ka na." Iniwan niya ako ng isang nakakalokong ngiti saka naglakad palabas ng kwarto habang ako ay nakaupo sa lapag at nakatingin sa punit punit na poster ni JB.

"Matagal kitang inalagaan at iningatan. Halos hindi kita pinapadapuan sa dumi. Ngayon, binaboy ka ng malupit kong ate. Karumal-dumal ang iyong sinapit. Kung naipagl------"

"Ano ba Viray, magdadrama ka pa ba dyan o pagpapaalam ka ulit sa poster mo?"

Napatigil ako dahil sa sigaw ni ate mula sa ibaba. Kiniss ko muna si JB saka nilagay sa basurahan.

Dali-dali akong nagtungo sa cr. Hays, bibigyan ko pa saan si JB ng magandang lamay eh. Kung hindi lang nakakatakot si ate kapag tinawag na niya kong Viray.

Last time kasi na tinawag niya kong Viray, inihagis niya ko sa labas ng bintana dahil sa pinakailaman ko ang make-up niya. Buti na nga lang may batang nakasambot sa akin kung hindi patay na siguro ako ngayon.

Speaking of that child. Nakakatuwa siya dahil sa mga sinasabi niya. Sayang nga dahil hindi ko natanong pangalan niya pero narinig kong sigaw nung batang babae sa kaniya ay "eber."

Mukhang takot yung lalaki kasi bigla niya kong binaba at saka biglang tumakbo nung nakita niyang papalapit na sa kaniyang babae.

**

"Salamat naman at nakababa ka na. Akala ko nilamon ka na ng banyo eh." Rinig kong sabi ni ate habang kumakain ng tinapay.

Hindi ko na lang siya pinansin at dere-deretsong naglakad palabas. "Hindi ka ba kakain?" Sigaw ni mama na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Kung hindi niyo maitatanong, wattpader ang nanay ko.

"Hindi na ma, sa canteen na lang po ako kakain." Sabi ko kay mama saka tuluyang lumabas ng bahay.

"Ganon ba? Sige lumayas na kayo mga bebe." Ani ni mama habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa libro.

Nagpaalam na rin si ate at lumabas na rin ng bahay. Binuksan na namin ang kotse niya saka nagtungo sa paaralan.

Nang makarating na kami sa parking lot ng school ay agad na akong bumaba at naglakad mag-isa.

Hindi ko muna siya papansinin dahil di oa ako nakakamove-on sa ginawa niya kay baby JB ko.

"Sis, yung sinasabi namin sayo You can trust no one."  Sigaw ni ate habang hindi pa ako nakakalayo sa kaniya.

My Ideal Man ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon