Katana
"Yung pwedeng ako na lang?"
"Yung pwedeng ako na lang?"
"Yung pwedeng ako na lang?"
"Yung pwedeng ako na lang?"
Napahawak ako sa aking dibdib at natulala sa kawalan.
Ano ba brainy? Why did you do this to me? Masyado kang unli. Nabasa ko naman eh.
Napabugtong hininga lang ako ako saka ibinagsak ang aking katawan sa kama.
Hindi pwede Katana. Hindi siya ang totoong hinahanap mo diba? Hindi siya yung JM mo. Trip niya lang ang lahat ok? Wag papalinlang.
Hays. Makapagpost nga muna. Malay mo magcomment si Baekhyun.
(Sana totoo na lang ang lahat.)
Tumihaya ako nang pagkakahiga saka tumitig sa kisame. Magiging totoo kaya ito o hanggang daydream na naman ako? Hays.
Pero ang cute pala ng kisame ng kwarto ko, ngayon ko lang napansin.
Puro pagmumukha ni bias, at syempre ang pamatay nitong abs. Waahh.
Kung gumawa kaya ako ng machine na magdadala sayo sa lugar na gusto mong puntahan.
Tapos pupuntahan ko kaagad ang member ng bawat boyband sa buong mundo.
Kyaahhhh. Excited na ko.
Natigil ako sa pagdadaydream ng biglang nagvibrate ang cellphone na aking hawak. Agad ko itong tinignan.
*JM Constancia and 3 others commented in your post*
JM Constancia: Darating tayo dyan.
Anong ibig niyang sabihin? Saan naman kami darating?
Binasa ko pa ang ilang comment. Bakit puro kay JM Constancia? Hello, post ko to. Tsaka anong meron naman kay JM porket famous lang ba? Siya na dapat pinapansin? Paano naman kaming magaganda lang? Charot lang hahahaha.
Pero back to reality, anong gagawin ko? I mean, anong sasabihin ko?
"Hindi pwede! Hindi naman ikaw ang totoong JM eh." Di pwede. Masyadong harsh.
"Anong ibig mong sabihin huh? Suntukan na lang oh." Hindi din. Masyadong maangas.
"Enebe. Weg ke ngeng genyen. Kenekeleg eke eh." Pwe! Delete. Delete. Napakapabebe naman Katana.
Aish. Bahala na nga.
"Magtigil ka nga HAHAHAHA."
"Aww. Busted na ba ko?" Nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita't nabasa ko.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man Exists
Teen FictionMeet Katana Shin. Isang simpleng babae na mahilig magdaydream ng kaniyang Ideal Man. Taong naniniwala sa salitang "Tadhana" Paano kapag nakita niya ang Ideal man niya at taong pinaniniwalaan niyang itinadhana sa kaniya? Nang sabay? Uhm, Let's see!