#C14: With him
Lumabas na kami at pumunta sa isa mga parks na malapit lang doon. Bumalik na rin kasi ang tito niya at eksaktong papaalis na kami. Binilinan pa ako ng kanyang tito na pwede raw akong bumisita kahit kailan. Kaagad naman akong pumayag dahil talagang babalikan ko ang lugar na ito.
The food is amazing. The shop was wonderful. Her presence was weirdly comfortable. There is just no way that I'd say that to her because of how she thinks.
"I'm starving. Bili tayong foods?" wika niya kaya tumango ako.
Bumili na lang kami sa malapit na food stall. I settled for a hotdog with a drink while she ordered a cheeseburger. Kaagad naman kaming pumwesto sa malapit na bench.
"Bakit dito tayo pumunta?" I asked.
"To show you my favorite scenery. Pero mamaya pa natin makikita. Maghintay muna tayo," she said at binuksan ang kanyang pagkain.
While waiting, nagkwentuhan na lang muna kami tungkol sa mga random na bagay. It turns out, marami kaming pagkakatulad. And I've realized just now na magaan siyang maging kausap. Sobrang komportable pero meron yung mga times na nagkakailangan kami. Maybe it's because she's still adjusting, I noticed that.
"So ano, cool na tayo?"
"Ha?" Kumagat ako ng hotdog habang nagtatakang nakatingin sa kanya.
"I mean, hindi mo na ako hate o hindi ka na bigla-biglang tatakbo kung makikita mo ako sa malayo." Natawa naman ako dun. "Ngayon na narealize mo ng masaya akong kasama," she said with a smile.
"Sure. I don't hate you anymore," pabalang kong sagot at tumingin sa harapan.
"So you like me na?" Sobrang lawak pa ng ngiti niya na nakatingin sa akin.
"Sure..." Dahil sa sinabi ko, mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. "Friends na tayo, right?" At ang saya niya ay bigla na lang napalitan ng simangot. Napatawa ako nang mahina.
"Friends?" She said it like she's disgusted with the word. Ang sarap talagang asarin... ngayon ako makakabawi sa ilang linggo niyang pang-istorbo sakin na parang obsess na stalker. Hindi masayang tumataas ang balahibo mo kada minuto.
"Yes, friends."
Napaawang pa ng bahagya ang kanyang bibig. "Friends lang?!"
"What's wrong with that?" Ang pikon niya. Kulang na lang umusok ang ilong dahil sa inis. Namumula na rin kasi ang kanyang mukha. Kung hindi lang pangit ang pagpapakilala niya sakin ay baka nagkasundo kami. Approachable naman akong tao.
"Sumigaw ako sa school niyo, niligawan kita, kinuha ko ang loob ng mama mo, naagaw kita kay Honey sa atensyon tapos sasabihin mong friends lang? Are you kidding me?!" It looks like she's freaking out and I tried my best to hold the laugh that wants to get out of my mouth.
Naningkit naman ang kanyang mata habang nakatingin sakin. "Don't you dare laugh at me."
"I can't help it," natatawa kong sabi. She's just so gullible at everything. Rinig kong impit siyang tumili.
"Nakakainis ka! Kung hindi ka lang gwapong tingnan habang tumatawa, kanina pa kita sinakal." Buti na lang hindi ako umiinom kundi kanina pa ako nasamid sa sinabi niya. Iba pa rin kasi ang epekto kapag pinuri ka ng isang tao na may gusto sayo.
"At least, hindi na kita hate. It's still better than nothing, don't you think?" Ininom ko ang hawak na bottled water. "It's a big improvement. From a stalker to a friend real quick. Nice work."
Umawang ang kanyang labi. "Getting arrogant, aren't we?"
"Oh. Don't start with me, Diaz. Ikaw ang pumasok sa buhay ko hindi ako."
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romance"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...