C10: Honey vs. Carmeen
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong wala namang nangyayaring masama. Hanggang ngayon, nagshe-shake hands pa rin sila habang nakangiti sa isa't-isa. I can feel some tension going in between them.
This is not a good day.
"It's nice to you to meet you, Honey." She gave Honey a grin like she always does.
Wala pa mang nangyayari ay pakiramdam ko'y hindi dapat sila pinagsasama sa iisang lugar. This is such a doomsday!
"Same here..." Honey replied blatantly. And finally after five ups and downs, itinigil na nila ang pagkahawak ng kanilang kamay. Akala ko wala na silang balak magbitiw.
Umupo silang dalawa samantalang ako'y dahan-dahang naupo at hindi inaalis ang tingin sa isa sa kanila. I really have a bad feeling about what's gonna happen. I do not like it... not one bit. Umiiling na ako sa aking isip.
"So..." panimula ni Honey while gracefully sitting on one of the chairs as she looked at Carmeen. "Are we in the same university?"
"No. I'm from a public school." Tumango si Honey bilang sagot.
"Kaya pala," pahayag ni Honey.
"Honey!" pigil ko. That did not sound right. She just gave me a side-eye and continued staring at Carmeen... or more like criticizing.
"Kaya pala ano?" takang tanong naman ni Carmeen.
"Ah wala..." sagot ni Honey at iniba ang usapan. "Paano kayo nagkakilala ni Dale?"
"Sa school niyo. Ako yung babaeng sumigaw at umamin kay Dale," Carmeen answered.
Huminga ako nang malalim. Why does she even have to be honest? This will escalate in a fight like real quick, I just know it. And I certainly don't wanna be in between a girl fight. Masyadong cliche.
Tumatango-tango si Honey na parang may naalala.
"Oh, you're the girl that everyone was talking about! Yung gumawa ng scandal sa harap ng maraming estudyante..." Honey's voice is etched with fascination. "Why would you humiliate yourself infront of everyone?" She leaned her elbow on the table.
"Honey, stop it..." kalmadong saad ko.
Napahinga naman ng malalim si Carmeen saka napatungo. I thought she was mad pero nang iniangat niya ang mukha ay nanatili siyang nakangiti. I don't know why but it's scaring me that she's not mad.
"Hindi ko pinahiya ang sarili ko sa maraming tao." Sinabayan pa niya ito ng pag-iling.
I want to intervene but Honey wouldn't listen... and I bet the other won't too. Nasaan ba si mama kung kailan kailangan ko siya? Pagsabihan niya 'tong dalawa na nag-aaway sa harapan ko.
"It seems like it. Sumigaw ka sa harapan ng maraming estudyante which made you scandalous and crazy."
"Honey," saway ko. I admit na may pagkamataray si Honey when it comes to those that she doesn't know... matabas din kanyang ang dila. I know it's a lot to handle pero minahal ko rin ang ugali niyang iyon kahit na may pagka-bratty side siya.
"I'm just saying the truth, Dale. Diba nga, sinabi mo pa sa akin kung gaano ka napahiya dahil doon? That must've been a scene."
She's subtly picking a fight.
Nakita ko sa reaksyon ni Carmeen na para siyang nasaktan ngunit agad ding nawala at tipid na ngumiti. Hinilot ko ang aking sentido.
"Hindi ko pinahiya ang sarili ko o maski si Dale. Kung pagpapahiya ang tawag mo sa pagsigaw ko na mahal ko si Dale sa harap ng maraming tao, then you are mistaken. Pinaglalaban ko lang kung anong nararamdaman ko kay Dale. I did that because I like him enough para bigyan siya ng atensyon at kung iniisip mo na sa dami ba naman ng bagay para maiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya ay ganun pa well, it's because yun lang ang paraan para mapansin niya ako. It's a drastic move but it worked," mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romantizm"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...