#C01: First Encounter
Naglalakad na ako palabas ng school nang bigla na lang may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako sa paligid and found out na nasa likod ko yung sumigaw.
"Hoy Dale!"
Isang babaeng balingkinitan ang katawan, maputi, tingin ko'y 5'4 ang height, matangos ang ilong, pinkish lips, at katamtamang laki ng mata. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad na may determinadong mukha at huminto ng ilang metro sa akin.
"May ninakaw ka sa akin!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ninakaw? Heck! I didn't steal anything.
"You must be mistaken, miss. Wala akong ninakaw na bagay sayo... I don't even know you."
Sino ba itong babaeng ito? Bigla-bigla na lang nangbibintang ng kung ano-ano.
"Yes, you did!" she insisted.
May pailan-ilan na ring nakatingin sa amin. Makasigaw naman kasi siya ay parang ang layo ng kanyang kausap. Pero baka nga naman may nakuha akong gamit na di sa akin tapos yun pala ay sakanya-
"Ninakaw mo ang puso ko at kailangan mo yang pagbayaran!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nagulat. My body froze for in an instant and her voice echoed in my mind. What the-! Parang nabingi ata ako sa narinig ko. Stole her what?!
Hindi pa nagpo-process sa utak ko ang lahat nang naririnig ko na ang kanya-kanyang komento ng mga nakatingin sa amin.
'Ang sweet naman niya'
'Ay! Grabe si ate makaconfess'
'Me ganon?'
I stole her what?! Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya nang bigla siyang lumapit sa akin at ngumiti. "You stole my heart and now you have to take care of it."
Magre-react na sana ako nang bigla akong magulat sa sunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ako sa pisngi.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. I feel like I'm a statue not literally moving in front of everyone. What the hell just happened?
"Dale? Dale!" The next thing I knew, niyuyugyog na ako ni Brent, isa sa mga kaibigan ko. "Okay ka lang ba?"
Napakurap ako nang ilang beses. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Sandali, nasaan na yung babae? Hindi na siya mahagilap ng mata ko.
"Where's the girl?" I asked Brent still searching for her.
Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa siya umalis. At kanina ka pa rin nakaestatwa sa kinatatayuan mo. Dude, what just happened to you?" natatawa niyang tanong.
Mariin akong pumikit. I didn't know what happened too. Stalker?
That was what happened to me yesterday. Hindi ko na siya nagawang makausap dahil bigla na lang siyang tumakbo at di na nagpakita. Ang weird niya... and crazy too.
Bigla-bigla ba namang gawin sa harapan nang maraming estudyante? Hiyang-hiya ako sa mga oras na yun. I cannot even look at anyone who saw that scene... and what's worst ay Baka makarating 'to kay Honey.
Honey Benavides. Matagal ko na siyang nililigawan ngunit 'di pa niya ako sinasagot. I've tried so many times but she always reason out that she needs to prioritize her studies. I respect that. As long as she approves that I stay by her side.
"Dude, tapos ka na bang makipagtitigan sa lamesa?"
Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita si Erik, one of my bestfriend. "Inaalala mo na naman ang nangyari kahapon?"
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romance"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...