#Carmeen Diaz: From where it all started
"Rosetta, Ruru, kumilos na nga kayong dalawa. Malapit ng mag-alas tres."
Halos makita ko na ang ugat ni ate Elle sa leeg sa pagbulyaw niya sa dalawa. Yung dalawa naman ayaw pa kasing kumilos at nanonood pa rin. Well, maski rin naman ako hindi pa ready.
"Rosetta sige na, maligo ka na."
Pagkatapos ng kalahating oras ay ready na kaming umalis. May pupuntahan kasi kaming youth service. Kinda like bible study. Gusto naman talagang pumunta pero kasi minsan umaatake ang katamaran ko. Napipilitan lang ako sa ngayon.
"Carmeen, seatbelt," utos ni ate Elle.
Swerte rin nitong si ate at may sarili na siyang kotse. Reaglo rin sa kanya ito nung debut niya. Kulang na lang ay boyfriend. Nape-pressure na kasi siya nila tita.
"Ate, magrelax ka nga."
"Paano kung nagsimula na yun? Nakakahiya kaya!" Halata na rin na kinakabahan siya.
Nakatatanda naming pinsan si ate Elle sa mother's side. Dalawang taon lang ang agwat namin. Close ko naman siya pero minsan hindi ko masundan ang yugto niya sa buhay. She's a party girl and adventurous. Something that differs from my personality. I'm an introvert and I'm proud of it.
But nonetheless, she knows her own limitations and boundaries. Hindi nga lang halata pero religious din siya. Siya nga ang nag-imbita sa amin dito.
"Para namang kakainin nila tayo. Atleast nakapunta pa rin tayo noh."
Mukhang hindi ko na siya mapapakalma. Nagkibit-balikat na lang ako at inilagay ang earphones sa aking tenga. Soundtrip na lang ako habang nagro-roadtrip.
♪God gave me you
To show me what's real
There's more to life
Than just how I feel♪
"Were here," wika ni ate. Tiningnan ko naman ang bintana.
A hotel?
"Tara."
Bumaba na kaming lahat at dumiretso sa front door ng hotel na iyon. Woah! Dito igaganap yung life group? Ang sosyalin. Akala ko naman bahay o ano. I never expect it to be a hotel!
Tapos sa side pa nun ay mayroong swimming pool. It's even crystal clear! Malamang may pool dahil hotel.
"Carmeen, yang mata mo kumikinang na naman. Ang hilig-hilig mo talaga sa mga swimming pools," komento ni ate Elle.
Umirap ako. Bakit ba? I love summer. At gustong-gusto ko ring lumalangoy. Kahit ano basta malalanguyan, papatulan ko.
"Hello, welcome to our youth service!" May lalakeng bumati sa amin sa front door.
Awtomatikong ngumiti naman kaming apat. Itinuro niya sa amin yung daanan papuntang venue. Nasa second floor.
The hotel had this wood ambience and floorings. Makinis din yung floor. Nice one.
"Dito," sabi nung lalake at binuksan ang pintuan sa harapan namin. "magsisimula na siya maya-maya. Maghintay lang kayo."
"Sige, thank you." Ani ate Elle.
Unang bumungad sakin ay ang mga couch sa kanang banda. Parang binagyuhan dahil ang daming sofa na magkakadikit. Sa kaliwang bahagi naman ay mayroong puting kurtina na nagdi-divide sa side na ito.
Hinawi ko yung kurtina. Mayroon pa palang malawak na espasyo roon. Airconditioned. May mga nakahilera ring mga upuan at sa harap ay mga nagpa-practice kasama ng mga instruments.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romantik"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...