C20: Charity
"May mababago ba kung malaman mo?"
Nakatulala lang ako... ni hindi ko rin alam kung anong tinitingnan ko. Basta ang alam ko'y tinatanong ko na rin ang sarili kung may mababago ba. Gusto kong maging sigurado.
May gusto na ba ako sa kanya? Posible bang magkagusto ako sa kanya kahit na ilang buwan ko pa lang siyang nakilala? Hindi ko pa alam ang lahat sa kanya pero madali kaming naging close. At hindi ako yung taong bigla na lang makakapag-igihan sa isang taong inistalk ako.
"Dale, you okay?" I heard someone said. When I looked up, it was Honey looking all worried.
Ngumiti lang ako ng pilit. "Sure..."
"Nakatitig ka kasi sa amin ni Vince," she stated. Ni hindi ko namalayan yun. "May problema ba?" tanong niya. Hindi ako nakasagot dahil bigla na lang may tumawag sakin.
"Pre, tara na. Aalis na daw yung bus na sasakyan natin," tapik ni Jerico sa balikat ko.
"Ah sige," sabi ko na lang at umalis na siya upuang sumakay. Nilingon ko si Honey. "Tara na daw." Naglakad na ako papuntang bus.
It's club day today and we were tasked to volunteer at a nearby orphan village. It's an act of philantrophy and I'm so stoked that many students volunteered to be a part of this project. It's wonderful...
Pipili kami ng beneficiaries namin since we're the charity club. So basically, were representing our school at ang napili namin ay ang isang orphanage center na ilang hours ang byahe mula rito. Magdo-donate lang kami ng mga laruan, damit, at mga iba pang kakailanganin para sa mga bata.
"Andito na ba lahat? May hinihintay pa ba?"
"Wala na po!"
"Alright. Let's get going then."
Tuluyan na kaming sumakay sa bus. Mga labin-limang katao rin ang nag-volunteer samin. Nang umandar na ang sasakyan ay napatulala na lang ako sa tanawin sa bintana habang inaalala ang nangyari.
Hindi ko talaga mawala sa isip ko.
Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Carmeen nung gabing iyon dahil bigla na lang tumawag si mama at sinabing umuwi na raw ako. Of course, I couldn't say no to my mom. At dahil hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin kay Carmeen pagkatapos.
I practically left her without answering that question. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko pinoproblema ito pero para kasing ang laki ng epekto sakin ng kanyang tanong. Aaah! Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.
"Okay ka lang, Dale? Kanina ka pa tulala dyan?" Napalingon ako sa nagsalita. Si ate Jane pala, isa sa mga magfa-facilitate sa amin. Chine-check niya isa-isa ang mga estudyante.
Tumango na lang ako saka ngumiti ng pilit... 'cause honestly, I'm not so I choose to be silent. Ayoko ng sabihin pa sa kung sino man ang problema kong ito.
"May problema ka?" tanong niya bago umupo sa tabi ko. Wala kasi akong katabi. Si Honey katabi yung manliligaw niya. Tsk! Nakita ko nga rin silang naglalampungan.
"Sort of..."
"Is it a girl?"
Napatingin ako sa kanya. Halata sa mukha kong nagtataka. "How did you know?"
She shrugged. "Lucky guess. So, what's the problem?"
"I really don't wanna talk about it." Even so, I don't think I can tell it to anyone. I have to deal with this kahit na hindi ko talaga alam kung bakit sobrang laki ng pinoproblema ko.
Tumango-tango siya. "Okay, I understand. Pero kahit anong mangyari, just have faith. Ilan buwan mo na bang nililigawan?" Natawa ako nang mahina... ilang buwan ko nang nililigawan. Patawa talaga yang tanong na yan. Hindi ko alam kung anong isasagot.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romance"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...