Twenty-Second Move

715 23 4
                                    

#C22: Jealous type

Napangiti ako nang makita ko siyang namula. The next thing I know, we're both hugging each other. I don't even know what came over me. I just did what I did. I even called her by the endearment that I hate the most.

I still hate it.

"N-Nagseselos ka?" nauutal niyang sambit. Kumawala siya sa yakap at tiningnan ako. "Bakit?"

Naghihintay siya ng sagot mula sakin. But I just smiled at her.

"You figure it out..." And then I started to walk. Hindi ko na talaga matanggal ang ngiti sa labi ko. Maya-maya, naramdaman ko na sumunod na siya sakin. Akala ko wala ng balak gumalaw sa kinatatayuan.

Hindi pa man ako sigurado sa kung ano pero ito ang alam ko-- ayokong nakikita siyang may kasamang ibang lalaki. Ako lang dapat. Seeing her all lovey dovey with another guy is making my blood boil so perhaps... I like her.

"Anong figure it out? Uy, sabihin mo na kasi." Hinila niya pa ang sleeves ng suot kong shirt. Para siyang nawawalang makulit na bata.

"Jane, please. Kausapin mo na ako."

Napatigil kami sa paglalakad. Nakita namin sila ate Jane sa isang gilid ng puno. Mukhang hindi nila napansin na bumalik na kami.

So they know each other? What a coincidence.

"Diba si ate Jane at Jarvis yun?" sabi ko. Hindi man lang pumasok sa isip kong baka magkakilala pala sila. I was too focused on separating Carmeen from the guy.

"Jarvis ka dyan! Jasper nga kasi ang pangalan niya..." Tapos bigla akong pinalo ni Carmeen. Ano naman kung Wesley ang pangalan niya? Basta wala akong pake sa kanya. I already dislike that person, Wesley. Or is it Jared? Ah, basta!

"Ngayon may pakielam ka na sakin? Diba nga ikaw 'tong gustong makipag-cool off? There! I approved of what you asked."

"You know I didn't mean it. I just wanna test you if you really love me-"

"Test? Anong akala mo sakin, guinea pig? Minahal kita, Jasper. Alam mo yun, bakit kailangan mong gawin sakin 'to?" mangiyak-iyak na sambit ni ate Jane. Sinubukang hawakan ni Jared- yun ba yung pangalan niya? Ah basta siya! Sinubukan niyang hawakan si ate Jane pero nagpumiglas ang huli.

"Bitiwan mo ako Jasper! I hate you!" Hindi na talaga niya napigilan ang luha niya. "I hate you!" Pinaghahampas niya sa dibdib si- basta! Yung kasama ni Carmeen kanina na lalake.

"Come' on kuya Jasper. Go for it." May binubulong sa sarili si Carmeen kaya naman nagtaka ako kung ano ito.

Bigla na lang niyang hinawakan si ate Jane sa pulsuhan. Nagulat ako dahil hinalikan niya si ate Jane. Nakita kong nagulat din ang huli. Si Carmeen naman, nakangiti lang habang nakatingin sa kanila.

Ayos niyang dumamoves ah. Parang kanina lang yan ang ginawa ko. Well, that's the only way to make our woman shut up and stop their senses from working. Minsan kasi nago-overflow na ang mga iniisip nila to the point na hindi na nila maintindihan ang sarili. That's where we go in-- to save them from their beautiful flaws and insecurities. We can be their refuge or safe haven. We are there to look after them.

Nang maghiwalay sila ay humihikbi pa rin si ate Jane habang sinasambit ang I hate you. The other just rested her on his chest and stroke her hair.

"Awww," komento ng katabi ko. Naningkit tuloy ang mata ko sa kanya saka ko siya binatukan. Napadaing naman ito. "Aray naman, Dale."

Hinimas niya ang ulo at ngumuso.

"Huwag mong titigan si Jonathan," banta ko.

"Dale, ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na Jasper ang pangalan ni kuya hindi kung ano?" nakapameywang niyang wika. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Hindi mo naman kailangang magselos kay kuya Jasper dahil brotherly love lang ang pagitan namin. Si ate Jane ang mahal niya. You always have to remember na ikaw ang gusto ko. Ikaw lang."

OPERATION: Make Ligaw to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon