Seventeenth Move

619 23 0
                                    

C17: Something

Nanatili siyang gulat na nakatingin sakin samantalang ako ay naghihintay ng sagot sa kanya. Kusa na lang akong pumasok sa loob ng bahay nila at dun ulit nagsalita.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi ka pala nakatira sa subdivision na iyon?!" She was interrupted out of her reverie and her face suddenly ashen.

"D-Dale, I can explain that-"

"Damn right I need an explanation! Wala ka pa talagang planong sabihin sakin. Halos magda-dalawang buwan na kitang hinahatid!" I was fuming mad with her. Feeling ko nga pinagtaksilan niya ako at inuto... not to mention na baka may nangyaring masama sa kanya dahil sakin.

"Hindi ko naman gusto yun-"

"Dalawang buwan yun, Carmeen. Dalawang buwan!" bulyaw ko saka nagmura. I heard her gasped.

"Y-You cursed," nanginginig niyang saad. Tsk, so what if I cursed? Oo, hindi ko hilig ang magmura at hindi rin ako nagmumura pero hindi ko mapigilan dahil sa kanya. She is an exception to this.

"Bakit kailangan mo pa kasing magsinungaling?! Ginagago mo ba ako, ha? Nakakabwisit!"

"Dale..."

Napasabunot ako sa buhok. "At bakit hindi ka pumapasok ng walang paalam? Do you know how your friends are worried about you? Marami ka ng namiss sa mga klase niyo at heto ka, ni hindi man lang nag-aalala na idrop ka ng adviser niyo. Wala ka ba talagang pakielam?"

Nanahimik kami. Hindi siya makasagot o ni makatingin sakin. Nakayuko lang siya samatalang ako pinapakalma ang sarili ko dahil nasobrahan yata ako sa galit. Pumikit ako sandali at huminga ng malalim.

When I calmed a bit, I heard a sob. Tiningnan ko siya-- damn it! She was crying. Bigla akong nataranta. Bigla-bigla na lang siyang iiyak. Hindi pa nga ako tapos na sermunan siya.

Lumapit ako sa kanya at iniangat ang kanyang mukha. I saw her face covered up with tears already. "Bakit ka umiiyak?"

Tinabig niya ang kamay ko at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kamay niya. Napapahikbi na rin siya nang malakas.

Hindi na ako nakapagpigil at hinapit siya palapit sakin para mayakap ko siya nang mahigpit. I let her face be buried on my neck as she cried her heart out. I even caressed her hair slowly until she calms down. I shush her by whispering in her ear saying, "I'm sorry..."

Ang pinakaayaw ko pa naman ay makakita ng babae na umiiyak. It's like seeing my sister and mom in pain. Ayoko ring ang dahilan ng pag-iyak nila ay lalake. So as much as possible, I'm trying to avoid it but it's inevitable. You can always avoid but you can never push it away.

"Stop crying. Sorry kung nasigawan kita." Gumagalaw-galaw ang balikat niya tanda na humihikbi pa rin siya... mukhang nasigawan ko siya ng sobra. Now I felt guilty all of a sudden when infact she still owes me an explanation.

"K-kasi naman, may r-rason kaya ko yun ginawa. H-indi ko naman sinasadya. Sabihin ko rin naman sayo. S-sorry," pahikbi-hikbi niyang sagot. I sshh her. Hinagod ko ang likod niya at pinapakalma siya. Naramdaman kong inilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ko at yumakap din.

I kept whispering sorry in her ear until I felt her relaxed. I heaved out a sigh as she calmed down.

There was a defeaning silence. Walang nagsasalita, nagpapakiramdaman lang. Unti-unti nang nawawala ang hikbi niya at pag-iyak.

"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi na dito ka pala nakatira?" Hindi niya ako binigyan ng sagot. She just nuzzled my neck. "Sobra lang naman akong nag-alala sayo. Paano pala kung may nangyaring masama sayo? Kasalanan ko pa dahil pinabayaan lang kita."

OPERATION: Make Ligaw to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon