#C16: Where are you?
Everything went fast.
May nililigawan pa ako noon pero sa isang iglap, biglang hindi natuloy. Payapa lang ang buhay ko noon tapos biglang may sumulpot na babae sa harap ko... claiming that she will court me. She trespassed into my life which I didn't like because she's not giving me space to breathe.
I hate her. She's ruining my life.
But then...
She was there when I had my first heartbreak and my final stage of moving on. She didn't leave my side and kept bugging me so I won't think about what happened.
Simula nun ay palagi na kaming magkasabay na umuuwi-- at talagang pinanindigan niya ang sinabi niya sakin last week na palagi niya akong pupuntahan sa school namin. Sinabihan ko naman siyang huwag niya na ng gawin ngunit ayaw niyang papigil.
I like hanging out with her too.
"Meron na ba si Carmeen?" tanong ko kay Joan, bestfriend niya.
Umiling siya bilang sagot. "Hindi siya pumasok ngayon. Ayaw nga ring sabihin sakin kung bakit."
"Sige..." Tumango ako bilang pasalamat sa kanya saka umalis na ako sa kanilang building.
Pero ngayon ang tahimik ng buhay ko dahil hindi ko siya nakita ng dalawang araw. Nasanay na ata ako masyado sa presensya niya. Hindi ko nga alam kung mag-aalala ako o hindi. Hindi pa naman normal sa babaeng iyon ang bigla na lamang mawala.
Sa tagal ng buwan na pinagsamahan namin, marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Sobra-sobra na kahit hindi niya sabihin sa akin yung iba, dati ko ng alam. And she is still insisting na manligaw pero sabi ko itigil na niya dahil napaka-hibang pero ayaw paawat, as expected from her. Hindi niya daw kasi tanggap na na-friendzone raw siya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" natatawang tanong ko kay Carmeen.
"Dale, I like you, okay? At hindi ko tanggap na kakaibiganin mo lang pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo." Aniya.
"So may kapalit pala lahat ng ginawa mo?" tanong ko kay kahit na wala naman talaga siyang ginawa ang bwisitin ako. "Akala ko pa naman bukal sa loob mo ang tulungan ako."
"Dale naman..." Nagsimula siyang ngumuso at pinigilan ko namang matawa sahil nauto ko na naman siya.
"I get it. Wala na talagang libre sa mundo. Kung may gagawin ka sa kapwa mo tao dapat maghangad ka ng kapalit."
"Hindi naman sa ganun."
"That's exactly what you're pertaining to," seryosong sambit ko na ikinatigil niya. Ang sarap niya talagang asarin. Hindi niya man lang ba maramdaman ito?
She sighed like making a surrender. "Fine, I'm sorry. Hindi dapat ganun ang attitude ko... alam kong mali."
Yumuko ako para ipakitang naiintindihan ko siya ngunit ang totoo ay gusto ko lang itago ang tawa na hindi ko na mapigilan.
Tumikhim ako. "I accept your apology. Kaya tinigilan mo na ang make-believe mong story na nililigawan mo ako dahil lalaki lang dapat ang gumagawa noon."
Akala ko ay mauuto ko na siya. Nakalimutan kong iba pala ang utak sa ibang tao... it's not ordinary and her mind is full of complexity.
"No..." she said in a firm voice. Nagulat pa ako nang tingnan niya ako na para bang sumasailalim ang kanyang titig papasok sa aking kaluluwa.
"Why not?"
"I have told you plenty of times, honeybabes..." Still didn't like what she calls me. "I like you and I won't stop until you say yes."
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Ligaw to him
Romance"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced to his school that she likes him. He was not expecting to meet a weird lady and asked if she could co...