Allen's P.O.V.
"Paano yan wala kang P.A. kailangan mo pa naman ngayon ng P.A. dahil sa susunod na linggo magiging hectic na ulit ang schedule mo". Ayan na naman ang madaldal Kong manager
" Eh,anong gagawin ko eh ang landi kaya nung binigay mong P.A. sa'kin walang ginawa kundi magpa-cute magpaganda tapos kung magdamit tinalo pa ang mga naka-pares ko". Totoo namanang Arte lagi na lang ako nilalandi porke nung una okay ako sa kanya,close kasi kame eh pero nung una lang pala yun dahil may tinatago palang kalandian
''Allen,Hindi ganun ang pagkakakilala ko Kay Trixie". Sabi nya. Si Trixie yung P.A. ko
"Ganun din naman ako eh,kala ko mabait,simple pero sa una lang pala yun.Kaya Mama Ten kailangan ko ng bagong P.A. yung maayos naman ah Hindi tamad,Hindi masungit at higit sa lahat Hindi assumera na piling may relasyon kame". Kasi maraming P.A. na ako kung makaasta parang may relasyon kame pag may lalapit sa'kin Babaw miski fans sinusungitan nya,nakakabuwisit kaya yung ganun.
" K.Fine pero last na 'tong kukuning P.A. para sa'yo ah".Sabi nya.
"K. Ma" Ngumiti lang ako
"Sige na tatawag na'ko sa Agency para kuhanan ka ng bago mong P.A.''.Ngumiti lang ako tsaka kinuha yung cellphone ko at nagbukas ng twitter habang inaayusan ako kasi may shooting ako ng bagong commercial.
*•*•*•*•*
Tapos na'kong mag-shoot ng new T.V. commercial ko kaya sa Photoshoot naman
Bumalik ako sa Backstage para maayusan ulit ako.Habang inaayusan ako napaisip ako
'Sana naman yung kukunin ni Mama ten---Manager ko yung maayos na yung magagawa yung trabaho ng tama o maayos'
" Allen,ikaw na".Tawag sa'kin ng isa sa staff dito.Siguro tapos na yung kasama ko.Oo may kasama ako tatlo kame
Tumayo na'ko tsaka nagumpisa na ang photoshoot.
= = = = = = = = = =
Tapos na ang photoshoot ko.Tiningnan ko kung Anong oras na
1:30 A.M. na.Madaling araw na
Inayos ko na yung gamit ko since wala nga akong P.A. Nagmadali na'ko kasi inaantok na'ko and Saturday na wala naman na akong trabaho hanggang Sunday kaya gusto ko munang ilaan ang dalawang araw ko sa pamilya ko kasi sa Monday Simula na naman ng hectic schedule ko kasi may gagawin akong movie kaya pinayagan ako na management mag-leave dahil nga magiging hectic na ang schedule ko
*•*•*•*•*
Hay!Salamat nakauwe na rin ako.Pumunta muna ako sa kusina bigla kasi akong nagutom.Pagpasok ko sa kusina nakita ko yung bunso Kong kapatid---si Riza.
"Riza,Anong ginagawa mo dito?Bakit di ka pa natutulog". Tanong ko sabay halik sa noo nya.Mahal na Mahal ko tong kapatid Kong 'to miski masungit minsan
" Wala.Nagutom lang ako Kuya".Sabi nya
"Ahhh.Ako rin eh.Ano bang meron dyan?.". Tanong ko
" Wala nga kuya eh".Sabi nya.
"Wala na.Ang bilis naman.Kailan ba tayo huli nag-grocery?."