So,eto na guys.
Macy's P.O.V.
Maaga akong nagising dahil nag-text si Mama Ten kagabi ng 7:30 habang kumakain na kailangan 7:00 ng umaga nasa shooting place na ako kaya 4:30 ng madaling araw gumising na'ko ka agad okay naman yung tulog ko eh kasi 8:00 ng gabi natulog na'ko kaagad tsaka kailangan ko ng sanayin yung sarili ko kasi sabi sa text ni Mama ten artista daw ang alaga nya---amo ko.
Ayos na ang mga gamit ko na dadalhin .Tumingin ako sa wrist watch ko 5:30 na bumaba na'ko dumeretso ako sa kusina para maghanap ng makakain habang nasa byahe ako kasi sa Manila ang shooting place eh nasa bulacan kaya ako,Hello?
Hoy mag-hi kayo !
Tinapay lang kinuha ko sure ako may pagkain naman siguro dun sa pupuntahan ko 'no.
Lumabas na'ko,Hindi na'ko nagpaalam sa magulang ko dahil sinabi ko naman na sa kanila kagabi na maaga ako aalis.
Pumunta ako sa Trycycle Station malapit lang dito sa'min dahil remember sa Chapter one diba naikuwento ko na malayo ang bahay namin .Starting today bihira na rin ako gagamit ng kotse ko dahil baka lilipat kame ng shooting place syempre kailangan kasama amo ko diba.So,baka maiwan lang yung kotse ko
Sumakay na'ko sa Trycycle saka kumain yung tinapay na kinuha ko kanina sa kusina ng bahay namin.
~•~•~
Allen's P.O.V.
Hay!Trabaho na naman .
Andito na'ko sa shooting place kung Saan kame magshoo-shoot ng New movie ko,nabanggit ko na ba sa inyo readers na may new movie akong gagawin dahil kung Hindi,Sorry pooo!.
Seven o'clock na pero wala pa rin yung P.A. ko sabi ni Mama ten Alam naman daw yung oras at kung saan ang shooting place dahil nagkausap na daw sila kagabi.Ano yun late?First day of job nya late.Tsk.Ang Ayoko pa naman sa lahat yung nala-late.Tsk.
"Ma,nasaan na yung bago kong P.A.?"
"Malapit na daw sya.Male-late lang na kaunti"
"Late ng kaunti?Ma first day of Job n'ya 'tas late sya.Naku!Ma Alam mo ayan ang pinaka ayaw ko sa lahat.Kung mala-late lang pala sya lagi ngayon palang wag na nating tanggapin ngayon pa lang"
"Ay!OA mo ah.Ano ba naman yung limang minuto tsaka first day nya first job nya baka nag-a-adjust pa yon"
"Bahala ka"
Tapos na'kong ayusan.Lumabas na'ko dahil sisimulan na daw shooting.
*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Macy's P.O.V.
Ano ba yan?Hindi ko naman akalain na traffic. Ang aga ko na nang umalis.
Andito na'ko sa shooting place kaso Hindi pa'ko pinapapasok ng mga guard.
"Kuya,papasukin ninyo na kasi ako.Late na'ko ng twenty minutes"
"Sorry.Ma'am Hindi po kayo dito pwede kung fans po kayo mamaya na po kayo." Ang kulit netong kalbong 'to fans ng fans.Paulit ulit LATE AKO ibig sabihin dito ako nagt-trabaho pero ang kulit niya talaga fans daw ako fans fansin ko mukha neto eh
"Naku!kuya pag ako nakapasok talaga at napatunayan Kong dito ako nagt-trabaho isusumbong kita".Parang nagbabanta kong sabi pero syempre hindi ko magagawa yun eh si Mama Ten nga lang kilala ko dito eh miski yung mismong yung amo kong artista daw? hindi ko kilala eii.Kinuha ko yung phone ko tsaka tinawagan si Mama Ten .