Macy's P.O.V.
Pababa na kame dahil nga diba magbo-bonfire kame.Pero bakit...bakit...parang...ano...hindi ko maintindihan eh.Parang kinakabahan ako,ewan ko kung bakit parang may mangyayaring hindi maganda pero masaya.Hayyy!ang gulo basta bahala na.
Habang naglalakad kame dito sa hallway ng hotel napaisip ako.Maglalaro kame ng truth or dare?siguro talagang ginusto ng diyos yon para hindi na ako mahirapan,para kahit sa ganuong paraan makaamin ako.Hay!Bahala na ulit.
The next thing I knew is nandito na kame sa lobby.
''Girls,nandun na daw sila.Ready na yung bonfire daw?".Tanong ni ate Rhia.
"Oh,andun na pala sila Tara na.Bilis,ka-excite naman". Hanla.Problema ng mga 'to.Nanghihila bigla.Excited lang?.
" GUYSSS!".Kumaway sila malapit sa dagat.Napatingin ako dun.Nandun pala sila.
Lumapit na kame.
Paikot kame.
"So guys game pero bago tayo magsimula.Terry will explain the rules and how to play the game.". Si Kuya Ricko.
In-explain na ni Ate Terry yung rules and Paano laruin.And one of the rules is BAWAL ANG KJ.
Nag-umpisa na.Tumutok ito Kay ate Terry.
" Truth or Dare?".Tanong namin.
"Truth". Sagot niya.
" Ngayon ay 33 years old ka na pero wala ka pang jowa.Hmmm...Mga ilang taon pa bago ka mag-asawa?".Natatawang tanong ni kuya Ricko.Miski kame natawa sa tanong niya eh.
"Ayt!Grabe siya.Masyadong personal.Pero sige na nga.Mga five years pa.Siguro mga tatlong buwan na panliligaw,three years na relationship then wedding.Hahabol na lang kame sa anak.Haha..". Grabe yung sagot niya ah.
" Oh,ikaw na ang magpa-ikot".Pina-ikot na ni ate Terry yung bote.Tumutok ito kay kuya Michael.
"Oh Mike". Mike for short.
" Truth or Dare?".Si ate Terry ang nagtanong.Isa yun sa rules.Kung sino ang magpa-ikot,siya ang magtatanong..
"Dare". Mabilis niyang sagot.
" Dare ah.Sige halikan mo yung gusto mo sa team o crush.Kahit sa pisnge lang".Dare niya Kay Kuya Mike.Biglang tumayo si Kuya Mike then lumapit sa kaniya.
O_____O OEMGIE.Hinalikan ni kuya Mike si ate Terry.Ibig sabihin sya yung crush ni kuya Mike.
"Ayieee!!". Asar namin sa kanila.Bumalik sa puwesto niya si Kuya Mike na kumakamot pa sa ulo.Hanla!Nagkakanot siya sa ulo baka may kuto siya Naku!kailangan ko siyang layuan.Haha...syempre joke lang.Wala naman silang kuto.
Pinaikot na ni kuya Mike yung bote.Kay kuya Christian naman tumapat.
" Truth".
"Ang bilis ah.Okay truth sure ka dyan ah?".Tumango lang siya.
" Anong status niyo ni Rhia?".Oo nga ano nga bang status nila.Kasi sila yung madalas kong makitang magkasama eh.Tumingin muna siya kay ate Rhia.Tumango lang siya.