Ika-Isa

36 0 0
                                    

Lumipas ang maraming taon
Ang daming pagkakataon
Upang bumangon
Sa sakit ng kahapon

Pero di ko inaasahan
Ikaw ay aking masisilayan
Akala ko'y pag-sinta'y nakalimutan
Ng ika'y aking malapitan

Pero ako'y nagkamali
Dahil ako pala'y nakatali
Sa alaala ng nakaraan
Ng ating pag-iibigan

Bumalik sakin ang masayang alaala
Pati narin ang pinaka-malala
Na hindi ko inaakala
Na ang dahilan ay ikaw pala

Ang pinakamasakit na dinanas
Sa piling mo'y dinaan sa dahas
Ng ikaw ay magdesisyon
Na tapusin ang ating relasyon

Akala ko ako'y matapang na
Upang harapin ka
Pero ako'y nagkamali sayo
Dahil mahal parin kita hanggang
sa araw na to

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon