Ika-siyam

3 0 0
                                    

Isa kang bituin sa aking mata
Pero isa ka ring lungkot tuwing ako'y mag-isa
Dahil 'pag magkasama tayong dalawa
Ang nararamdaman ko'y sobrang saya

Pero pag aalis ka na
Magiging malungkot na ang aking mukha
Dahil ako'y kinakabahan
Na baka sa susunod ay iyo ng malaman

Nalulungkot ako para sakanya
Dahil bigla siyang dumistansya
Biglang nanahimik
At maya-maya'y 'di na umimik

Hindi ko alam ang dapat isipin
Kung kanya ka rin bang iibigin
Dahil batay saking nakikita
Parang gusto ka rin niya

Pero sabi mo nung nakaraan
May iba siya kinagigiliwan
Kaya ako'y hindi na kinabahan
Na ako'y maaagawan

Ngunit parang ako'y mali
At naniwala sa iyong sinabi
Dahil iba ang tingin niya sayo
Na kinaiinggit ko

Dahil siya may hitsura
Hindi tulad ko na mukhang basura
May mas laban siya saming dalawa
Kung siya man ay umamin na mahal ka niya

Pero ako'y nag-aantay
Kung ang pagmamahal ko sayo'y muling mamamatay
Dahil 'pag pinili mo na ang tulad niya
At ako'y talo na

Dahil sa labanang ito
Halatang dehado ako
Pero pinipilit kong ilaban
Ang pagpapatawa ko sayo tuwing ika'y nasa kalungkutan

Sa tingin ko dun may laban ako
Pero ako parin ay kabado
Dahil kapag umamin siya
Ako'y nalintikan na

Ako na lang ay umaasa
Na iba ang mahal niya
Kahit ako'y nakakahalata na
Ikaw ang iniibig niya

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon