Ika-apat

11 0 0
                                    

Ang sakit ng ginawa mo
Kahit hindi naman talaga tayo
Pinaramdam mo sakin ang isang bagay
Na ang salitang "TAYO"'y hindi talaga tunay

Ako lang pala ang naniwala
Sa panaginip na aking inilathala
Pero sa akin mismong kagagawan
Ako na naman ay nasaktan

Baki pa ba kasi kita minahal
Eh ako lang naman ay isang hangal
At ikaw naman ay bituin
Na napakahirap abutin

Hanggang ngayon ako'y di sumusuko
Na mapapasakin ang iyong puso
Kahit na alam ko naman
Na ako'y kaibigan lamang

Pero ano bang meron ka
Para ika'y mahalin ko pa
Hindi pa ba sapat
Ang sakit na idinulot mo't lahat

Ako na mismo ay pagod na
Pero ang sabi ng puso ko'y sige pa
Hangga't ikaw ay nakikita kong nakangiti
Ako din ay pilit na iibig

Dahil sa tuwing nakikita kong ika'y masaya
Pakiramdam ko ako'y nasa langit na
Kahit na sobrang sakit sa puso
Ikaw parin ay iibigin ng buo

Ilang beses kong pinangako
Pero ito'y napako
Na sabihin sayo ang totoo
Pero ako'y naduwag sa aking pagkatao

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon