Ikadalawampu't pito

1 0 0
                                    

Di ko man napigil ang puso na ika'y 'wag mahalin
Hinding hindi ko pagsisisihan na minsa'y ikaw ay minahal
Nasubok ang damdaming dati'y uhaw sa pagtingin
Hanggang sa huli ang aking alay na pagmamahal

Sakali mang ikaw ay bumalik
Tatanggapin kitang mula nang may pananabik
Itatama ang dating pagkakamali
Upang sa aking piling ika'y manatili

Ako'y maghihintay hanggang kabilang buhay
Hihingi ng tawad sayo sa harap ng Maykapal
Aaminin aking pagkakamali noong tayo ay nabubuhay
Sa kandili ng langit saksi ang mga banal

-ctto

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon