Ikadalawampu't dalawa

2 0 0
                                    

Batay saking nakikita
May ibang kinang sa'yong mata
Na para bang sinasabi
Na ako sayo'y tumabi

Noong mga nakaraang-araw
Pisngi mo'y parang sumingaw
Dahil hindi na masilayan
Ang ngiti mong gusto kong hagkan

Ano ba ang totoong naganap
Parang ika'y nagpapanggap
At pinilit na lumayo
At wag saking tabi umupo

Ayaw kong magpanggap
Na ako'y parang nasa ulap
Na pinipilit maging masaya
Kahit sobrang lungkot ko na

Gusto kong maging malaya
At tuluyan na maging masaya
Pero nariyan ka
At ginagawa akong maligaya

Ayaw kong samantalahin
Ang aking damdamin
Dahil kapag ito'y natutuwa
Ito'y mapupuno ng luha

Luha na puro sakit
Puso na puro pait
Mata kong sobrang basa
Dahil sa sakit nagpapakasasa

Gusto ko ng itigil
At tuluyang itakwil
Sakit sa aking mga puso
At wag tapusin hanggang dulo

Bakit ba kaya
Sa'yo nagmumula ang saya
At ika'y sakin napakaimportante
Pero ako sayo'y wala kang pake

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon