Ika-dalawampu't isa

3 0 0
                                    

Matapos ang mga nangyari
Nanatili ka sa aking tabi
Hindi problema sa'yo
Na inamin ko ang pagmamahal ko

Pero hindi ko na alam ngayon
Kung mayroon pa bang pagkakataon
Ang pagkakaibigan nating dalawa
Na parang naglaho na

Sana meron pa
Ang puwang sating dalawa.
Kahit pagkakaibigan na lang
Dahil ikaw ay aking iginagalang

Hindi mo man kaya
Ibalik ang aking tunay na saya
Na nagpapangiti sakin dati
Dahil nariyan ka sa aking tabi

Pero anong nangyari sa'yo
At bigla ka na lang lumayo
Lumayo sa saya nating dalawa
At ramdam na ang distansya

Ako ay nalulungkot
At napupuno ng poot
Dahil sa mga naganap
Tuluyang nawala ang yakap

Yakap sa mga panahon
Na ako'y baon na baon
Dahil sa lungkot na nadarama
Dahil iilan kong kaibigan ay lumayo na

Pero minsan ay nagpaparamdam
Kaya't ako ay may agam-agam
Na hindi mo gustong umiwas
At magkahiwalay ang ating landas

Hindi ko alam ang nadarama
Kung ako'y mahal mo talaga
Ako'y nakararamdam ng iba
Tungkol sa ating dalawa

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon