Ikalawa

26 0 0
                                    

Bagong taon ay lumipas
Nawa'y lumipas narin ang puso kong gasgas
Dahil sa kagagawan mo
Nasaktan ako

Balikan natin ang mga panahon
Na ako't ika'y ay meron pang "RELASYON"
Hindi natin maintindihan ang isa't-isa
Dahil sa kinang ng ating mga mata

Batay sa mga aksiyon mo
Ang ipinapahiwatig nito ay masayang tayo
Na ipinalangin kong di magwakas
Pero di nagtagal at agad din kumalas

Dahil siguro ito sa kagagawan ko
Na maagaw ang taong mahal ko
Na pinopormahan ng iba
Dahil ako'y napakakupad na

Napamura ako at nagsisi
Sa aking pagiging huli
Na hindi pagsabi na mahal kita
Dahil ika'y mukhang naagaw na ng iba

Sana pala sinabi ko na lang sayo
Keysa ako'y nagsisisi at nagpapapayo
Pero dahil sa takot ko'y
Kasama ka na ng isang syokoy

Sana hindi pa huli ang lahat
Na masabi kong gusto kita't sapat
Upang matalo ko siya
At ako'y mahalin mo na

Pero walanghiya naalala ko pala
Ako'y wala sa kalingkingan niya
Dahil siya'y may ibubuga
Hindi tulad ko na hampaslupa

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon