Ikadalawampu

4 0 0
                                    

Ako ay nalulungkot
Ano ba ang iyong nadulot
Dati tayo'y masaya
Pero parang nawalan ng gana

Sa tuwing gumagawa ka ng tula
Ako'y naluluha
Dahil ako ay tinatamaan
At ito'y nababasa ng sambayanan

Di ko alam kung bakit ako umaasa
Na meron 'pang pag-asa
Na magliliwanag pa
Ang napunding lampara

Sa limang tula na nagawa mo
Laging nasasaktan ay ako
Kahit sabihin mo na wala lang iyon
Pero nahuhuli kita sa ilang pagkakataon

Ika'y natutulala
At para bang nawawala
Na wala sa mundong ito
Nasaan na ba ang isip mo

Ayokong umasa
Pero pakiramdam ko meron talaga
Pero bakit ganyan ang pakikitungo mo
Mas malamig ka pa sa yelo

Nakakainis, puro na lang asa
Puso'y ang sakit-sakit na
Eksplanasyon mo ako'y bigyan
Upang ika'y makalimutan na ng tuluyan

Pero sabi ng isip ko wag
Damdamin ng puso'y nilalabag
Sabi niya meron pa
Kaya't pareho silang nagdurusa

Gusto ko ng ipagsigawan sa mundo
Na mahal kita ng husto
Makarinig man ako ng panlalalait
Isasantabi ang lahat ng pait

Dahil ang nakaraan mong karelasyon
Wala sa kalingkingan niya ngayon
Ang pagkatao ko
Dahil personalidad niya'y perpekto

Isa kang prinsesa
At ako'y hampaslupa
Na nag-aabang ng grasya
At ito'y mapansin mo na

Dahil Sa'yo (A series of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon