Eye of the Moon

95 1 0
                                    

Luna's POV

Pagkatapos ng misyon naming tatlo sa wisp nest, ay umuwi na kami at nagpahinga na pagsapit ng gabi. Nagpunta na kami ni Michael sa sarili naming mga kwarto. At naghanda na ako sa pagtulog, pagkatapos ay nahiga ako sa kama.

"Good night Vesta", sabi ko kay Vesta.

"Magandang gabi din Luna"

Ipinikit ko na ang mga mata ko at napasok sa isang mahimbing na tulog. Sa kalagitnaan ng tulog ko pakiramdam ko'y nasa madilim na lugar ako, wala talaga akong makita sa lugar na ito talagang madilim. Pero napansin ko ang isang tao sa lugar na iyon, nakaupo ito, lalaki at nakayuko lang. Agad ko ito nilapitan para kausapin.

"Excuse me"

Agad humarap ang lalaki sa akin, nagulat ako sa nakita ko. May itim na usok na lumalabas sa katawan niya at ang kaliwang mata niya ay may parang hugis crescent moon na kulay itim, di ito katulad ng isang ordinaryong mata. Laking gulat ko na makita ko na si Rick ang taong yun at unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Luna.....Luna.....Luna.....Lunaaahhh"

Bigla kong minulat ang mga mata ko at bumangon mula sa malapad na kama. Pinagpapawisan ako ng matindi kahit umaandar ang aircon sa kwarto, nakita ko si Vesta sa tabi ng higaan ko.

"Nanaginip ka ulit Luna?", tanong niya sa akin.

"Oo"

"Kagaya pa din ng dati?"

"Oo, pero parang medyo nagbago ngayon"

"Hm?"

Di muna ako nagsalita, napaisip ako kung dapat ko ba sabihin ang nakita ko sa panaginip o ililihim ko muna ito.

"Ayos lang kung naguguluhan ka pa sa disesyon mo ngayon Luna, malugod ko itong tatanggapin", sabi niya sa akin, nakalimutan ko kaya pala ni Vesta magbasa ng isip.

"Salamat Vesta, sige matutulog na ulit ako", sabi ko naman at muling nahiga, ilang sandali lang ipinikit ko na ang mga mata ko.

*********************

"Ate......ate gising na.....kakain na tayo"

Narinig ko si Michael, nagising ako at tinignan ang kapatid ko na bagong gising. Ng makita niyang gising na ako agad siyang lumabas ng kwarto, tumingin ako sa table ko 5:47 na. Naalala ko na 8:00 ang klase namin ngayon kaya agad na din akong bumangon, inayos ang kama ko at lumabas na din ng kwarto. Nakita ko si Michael na nasa kusina, may kinukuha sa ref.

"Ano gusto mong kainin ngayon?", tanong niya

Siya kasi mas magaling magluto sa aming dalawa kaya siya mas madalas ang in charge sa kusina. Galing nga kami sa isang mayamang pamilya, pero para masanay na sa buhay napagdesisyunan naming magkapatid na manirahan sa isang condo unit, na malayo sa pamilya namin. Walang mga kasambahay o katulong, pero kailangan pa rin namin ang suporta ng aming mga magulang.

"Ikaw na bahala diyan Michael, gusto mo magkape?"

"Oh sige ate Luna, medyo tapangan mo 'te ah naantok pa kasi ako"

Nakita ko na lang na may hawak siyang isang plastic ng hotdog at tray ng itlog. Habang ako naman nagsimula ng magtimpla ng kape. Pagkatapos ay lumapit ako sa kitchen at inilagay ang isang tasang kape sa mesa.

"Salamat", nakangiting sabi ng kapatid ko habang piniprito ang itlog.

Lumabas muna ako, papunta sa terrace habang bitbit ang kape na tinimpla ko. Napaupo ako sa table dun, habang hinihigop ko ang mainit na kape ay muli kong naalala ang panaginip ko, bakit kaya ganun? Ano kinalaman ni Rick sa mga panaginip ko? Nagulat ako na nasa tabi ko na si Vesta.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon