The Mossmen's Kingdom

58 3 0
                                    

Rick's POV

Nakarating kaming tatlo sa mga pinagtayuan ng tent sa campsite. Tahimik at patago kaming lumapit sa mga tent at nagmasid sa paligid. Wala kaming ibang taong nakikita dito.

"AHHH! BITAWAN NIYO KO! AHHH!"

"TULUNGAN NIYO KOOOO!"

"HUWAG! PAKIUSAP!"

Sunod-sunod na sigaw ang narinig namin malapit sa bonfire kung saan sila nagkukwentuhan kanina.

"Dinudukot ata nila ang mga kaklase natin", pabulong na sabi ni Michael.

"Sa anong dahilan naman kaya? At ano yung mga nilalang na yun? May nakakaalam sa inyo?", pabulong na tanong ni Luna.

Nagkibit-balikat kaming dalawa ni Michael. Marahil alam ng partner ni Luna kung ano man yung nilalang na yun, sobrang talino naman ni Vesta eh. May naramdaman ako bigla na lumalapit sa pinagtataguan namin, naging alerto kaming tatlo.

Nakita naming tumatakbo ang isang lalaki, mukhang takot na takot siya at parang may tinatakasan. Nagmasid muna kami, biglang lumabas sa isang tent ang halimaw na nababalutan ng lumot at halaman. Hinawakan siya nun sa paa para di makatakas.

"WAAAH! LUMAYO KA! LAYUAN MO KO HALIMAW!", sigaw ng lalaki.

Pinagsisipa niya ang halimaw na humahawak sa kanya.

"Tara na", utos bigla ni Luna.

Tumayo ako agad at tumalon papalapit sa halimaw at sa classmate ko. Sinipa ko yun papalayo sa kanya. Sumugod naman sina Luna at Michael, umiilaw ang kanang kamay nila at lumabas sa liwanag ang kanilang mga weapon. Hiniwa ni Luna ang kaliwang kamay ng halimaw na lumot, mabilis na lumapit si Michael at sinaksak sa dibdib ang halimaw. May lumabas na dark green na likido mula sa mga sugat nito, natumba ang halimaw sa lupa.

Di ko alam na pwede pa lang ilabas ang mga weapon kahit di kami nakapag-transform sa rider form namin. Pero ang pinagtataka ko ngayon, bakit nila pinatay yung halimaw? Di ba dapat huhulihin muna namin at itatanong kung saan nila dadalhin ang mga kaklase namin?

"Mukhang mga level 3 hanggang level 5 ang mga goblin na to, ang dali naman nila matalo eh", sabi ni Michael.

"Sigurado ka bang goblin to?", tanong naman ni Luna.

Nagkibit balikat lang si Michael sabay hugot sa kanyang espada na nakatarak sa dibdib ng halimaw. Yumuko ako at tinitigan ng maigi ang patay na halimaw. Medyo nakakadiri ang mukha nito dahil may gumagapang pang mga uod dun, yuck talaga.

Kasing taas lang eto ng normal na tao may kalakihan lang ang katawan, balot na balot ito sa maiitim na halaman na parang lumot pati ang mukha nito. Meron din itong malalaki at maiitim na kuko sa kamay. Kahit medyo nandidiri sinubukan ko itong hawakan, nangangamoy patay na hayop ang halimaw na to.

"Hoy dre, maghugas ka mamaya ah", sabi pa ni Michael sa akin.

Itinaas ko ang isa nitong kamay at agad ding binitawan, di talaga ako mahilig mag-examine ng mga bangkay. BLEAH! Kadiri talaga ang amoy neto. Bigla na lang bumukas ang mga mapupula at bilogang mata nito.

Bumangon ito at sinubukan akong atakihin. Agad ko itong sinuntok sa mukha, nabaon ang ulo nito sa lupa sa sobrang lakas ng suntok ko. May naramdaman akong something na malagkit sa kamay ko, likodo ata yun na lumabas mula sa durog na ulo nito at sobrang baho pa nun.

"Y-yuck", diring-diri kong sabi.

"Mag-alchohol ka na rin pagkatapos", pandidiring sabi ni Michael.

"Luna? Michael, Rick?"

Napalingon kaming tatlo sa iniligtas naming kaklase, halata sa mukha niya ang matinding takot.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon