Phantom

71 3 1
                                    

Rick's POV

Nakatunganga lang ako sa blackboard, naghihintay na lang ako na tumunog ang bell para matapos na ang klase na to.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Yun na nga. Para nag-celebrate naman ang iba kong mga kaklase, at nagmamadaling inayos ang ang gamit nila para umuwi. Pero naunahan ko na sila lumabas sa classroom. Nagmamadali kasi akong makapunta ulit sa Moon Valley. Sinalubong ako ni Saber pagkalabas ko sa gate ng skwelahan.

"Mukhang nagmamadali ka", sabi niya habang naglalakad kasabay ko.

"Halata ba?"

"Ano? May plano ka na ba para matalo ang matibay na heneral?"

"Wala"

Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad, di ko naman maiwasang mapalingon sa kanya. Agad niya akong sinunggaban at sinubukang kalmutin ng matatalim niyang kuko. Pero nakita ko ang pag-atake niya at agad ko iyong naiwasan.

"Saber! Para saan naman yun!?"

"Ilang gabi na tayong nakikipaglaban kay Crescent, pero hanggang ngayon di mo alam kung papano siya tatalunin? Di mo man lang ba pinag-aralan ang estilo at galaw niya sa laban?"

"Pasensya na, may mga long quiz kasi kami eh kaya di ako nakakapag-aral sa pakikipaglaban"

Laking gulat ko na biglang may umakbay sa akin mula sa likod, napalingon ako. Si - .................

...

...

...

...ahh basta yung lalaking makulit at masayahin. Yung partner ni Sazum.

"OY RICK! May nadiskubre ako kagabi", sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Saber, muli kaming napalingon sa kanya.

"Ano? Di niyo man lang ba itatanong ano yung nadiskubre ko?"

Umiling ako, ganun din si Saber.

"Ok, kahit ayaw niyo malaman yun sasabihin ko pa rin sa inyo"

Nagtanong pa siya, ang kulit talaga ng lalaki na to kahit kailan.

"Isa sa mga moves ni Moondale sa laban, yung bigla siyang naglalaho at sumusulpot kung saan, ang tawag dun 'phantom step'!"

Di ko na lang siya pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Proud na proud pa siya sa nadiskubre niya, di ko alam kung bakit tuwang-tuwa siya, siguro di ata to nakapananghalian. Inakbayan niya ako ulit.

"Alam mo ba ang ibig sabihin nito Rick?"

Muli akong umiling sa tinanong niya.

"Ibig sabihin lang nun, isa kang 'Phantom Battler' Rick"

Ano naman yang 'Phantom Battler' na yan? Marami pa dapat akong malaman tungkol kay Moondale, o mas magandang sabihin maalala. Ayon kasi sa kasaysayan ng Moondale, pasalin-salin lang ang kaluluwa ng Moondale sa iba't-ibang katawan. Para bang 'reincarnation', ibig sabihin ilang libong taon ng nandito sa mundong ito ang kaluluwa ko.

"Siguro hindi lumaki ulo mo niyan dahil isa kang phantom battler, samahan pa ng lunar eye mo"

Napalingon ako kay Luna na nasa likod namin ng makulit na lalaki na yun, kanina pa sila diyan pero di ko na lang pinansin.

"Ah-ate Luna? Kanina ka pa diyan?", tanong nung lalaki, mukang nakalimutan ko din na kapatid pala siya ni Luna.

As usual, masama pa din ang titig ni Luna sa akin. Mukhang nagagalit siya dahil isa akong phantom battler, ano ba kasi yun?

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon