Mirage

73 2 2
                                    

Moondale's/Rick's POV

Nakatayo lang kami ni Mooncrest sa harap ng steel gate habang hinihintay namin sina Luna at Vesta na makapagpadala ng mensahe sa Moon Valley.

"Oh ano na Vesta?", tanong ni Luna.

"Di pa din, mukhang imposible na makapagpadala ako ng mensahe mula dito papunta sa labas", mahinahong sagot ni Vesta.

"Di na tayo makapaghihintay ng reinforcement, gagawin na lang natin to na tayo lang"

"Mokhe ngo ete, beleson long noten eh de ko no motogolon eng emoy deto", reklamo ni Mooncrest habang tinatakpan ang kanyang ilong.

"Huwag ka nga mareklamo diyan kalalaki mong tao eh, gayahin mo nga si Moondale-HHMMPHH!", tumakbo bigla si Luna sa isang tabi at nagsuka, mga anak mayaman pala nga ang mga to di sanay sa mga mababaho.

Mukhang magkakaproblema kami sa pakikipaglaban kapag ganito ang kondisyon nilang dalawa,. Dati kasi nakatira ako sa squatters area nung di pa nagtatrabaho sa ibang bansa ang tiyahin at tiyuhin ko, nakalipat lang kami sa isang maayos na subdivision nung makuha bilang construction worker ang tiyuhin ko sa abroad. Medyo sanay ako sa mababaho pero iba talaga ang amoy na to, parang di pangkaraniwan. Kung sila na mga normal na tao nagkakaproblema dahil sa amoy na to, papano naman ang mga partner namin? Nilingon ko bigla si Saber na nakaupo sa tabi ko.

"Mga espiritu na lang kami kaya wala kaming problema sa amoy na to", sabi niya.

Nababasa niya ba ang naiisip ko? Nagkibit-balikat na lang ako. Humarap ako sa steel gate nilapitan ko yun at mariin na itinulak. Bumukas ito, dahan-dahan naman akong pumasok dun. Tinignan ko muna ang paligid baka may nakabantay na mossman o ano mang kahina-hinalang goblin. Mukhang wala naman, teka, di mabaho dito.

"Luna, Mooncrest di mabaho dito sa loob", pabulong ko silang tinawag.

Napatingin silang dalawa sa akin at nagtakbuhan papasok sa gate. Napaluhod sila bigla at hinihigop ata ang lahat ng hangin sa paligid. Parang ngayon lang nakahinga ng preskong hangin ah. May narinig naman akong kaguluhan sa di kalayuan, parang may umiiyak din.

"Naririnig niyo yun?", tanong ko sa kanila.

"Yung utot ni ate? Dinig na dinig ko, lakas kaya", sagot agad ni Mooncrest.

"Huy di ganun kalakas ah", pagtatanggi naman ni Luna.

"Di yun. Yung mga iyak na nagmumula dun", itinuro ko ang pinanggagalingan ng ingay.

May nakikita din akong ilaw sa lugar na yun, lalo pa akong kinutuban na nandun nga ang mga kasama namin. Nilingon ko ang mga kasama ko, tumango sila. Senyales yun na iimbestigahan namin ang lugar na yun. Dahan-dahan kaming naglakad. Nagtago kami sa likod ng isang malaking tuyong puno, sumilip kami at nagmasid. May malaking bonfire sa isang malawak na area at may apat na wooden cages na nakapalibot dun. At nasa loob ng mga wooden cages ang mga classmates namin, naka-seperate ang mga lalaki at babae sa tig-dadalawang cages. Nag-iiyakan na ang mga babae at sinusubukan namang makawala sa mga kulungan ang mga lalaki. Pagkakataon na namin to. Lalabas sana ako sa aking pinagtataguan ng hinawakan ako ni Luna sa balikat.

"Tignan mo yun", may nginunguso siya sa dulo.

May dumating na malaki, mabuhok at maitim na halimaw. Parang kapre ah. Sa tansya ko, mga ten to fifteen feet ang taas ng halimaw na yun. May nakapulupot sa katawan niya na belt at may nakasabit na mga tabako dun. Lumapit ito sa mga cage kung saan nakalagay ang mga babae naming kaklase.

"Ano yan?", bulong ko kay Mooncrest na sumampa pa sa likod ko.

"Ate, ano yan?", bulong naman ni Mooncrest sa kapatid niya na nasa tabi ko.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon