Saved Again

70 3 0
                                    

LUNA'S POV

"Nandito na tayo", sabi ni Vesta.

Kasalukuyan kaming nasa gilid ng isang bangin kasama si Mooncrest at ang partner niyang si Sazum. Kakarating lang namin sa lokasyon ng misyon na ibinigay sa amin ni general Crescent.

"Luna, pwede naman na wag niyo ng ituloy ang misyon,masyado itong-", naputol ang sasabihin ni Vesta ng sumabat ako.

"Napag-usapan na natin to Vesta at itutuloy natin to, mga dambuhalang ahas lang yan"

Di na siya umimik. Lumapit naman si Mooncrest sa gilid ng bangin at tinignan ang ibaba nun.

"Wala akong makita sa baba, gaano ba ka lalim to?", tanong niya.

"Di ko alam, pero diyan ang pugad ng mga devil serpents ayon kay Vesta", sagot ko.

"Bakit kaya iba ang sinabi sa atin ng general? Isang devil serpent lang daw ang nanggugulo sa isang bayan pero pinapunta tayo sa pugad, kung di pa sinabi sa atin yun ni Vesta di pa natin malalaman"

"Ewan ko at wala akong pakialam"

Pagkasabi ko nun ay agad akong tumalon sa bangin.

"UY TEKA ATE!", dinig kong sigaw ni Mooncrest.

Nakarating na din ako sa baba ng bangin. May lumitaw na parang isang warp sa gilid ko at lumabas dun si Vesta. Sumunod naman na bumagsak mula sa taas sina Mooncrest at Sazum.

"Kailangan ba talagang magmadali ka? Papano kung may sumunggab na ahas sa'yo?", galit na tanong ni Mooncrest.

"Di ako nagmamadali, talagang mabagal ka lang", sagot ko naman.

Naglakad-lakad ako at tinignan ang paligid. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid, puro bato at mga tuyong kahoy lang naman. Walang kabuhay-buhay dito.

"Wow, ang laki nito"

Napalingon naman ako kay Mooncrest ng nagsalita siya. Napatingin naman ako sa hawak niya, piraso ng snake skin. Sira-sira na yun at may lapad na 1 meter, estimate ko lang naman. Bigla ko naman nakaramdam na parang may gumalaw sa likod ko at mukhang napansin din naman yun ni Mooncrest.Sabay kaming dalawa na napatingin sa likuran ko, pero wala akong nakita.

"SA IBABA!", biglaang sigaw ni Vesta.

Nakaramdam kami ng kaunting pagyanig sa kinatatayuan namin. Nabiyak ang lupa at may bumungad  na isang devil serpent mula dun. Sinunggaban kami ng ahas na agad din naming iniwasan.

"Kami na bahala ni Sazum diyan", sabi naman ni Mooncrest.

Agad tumakbo papunta sa dambuhalang ahas sina Sazum at Mooncrest.

"STUNNING LANCE!", sigaw ni Mooncrest.

Umilaw ng kulay yellow ang maliit na sungay ni Sazum at agad niyang sinuwag ang devil serpent.

SHHHHEEERAAAAH!!

Napahiyaw lang ang ahas ng matamaan siya ng atake ni Sazum. Di na ito nakagalaw, epekto yun ng stunning lance. Agad naman sumugod si Mooncrest, hawak-hawak niya na ang kanyang sword.

"SUSHI!"

Pagkasabi niya nun ay hiniwa niya sa dalawa ang higanteng ahas. Bumagsak iyon sa lupa na wala ng buhay. Umaagos ang dugo mula sa sugat nun. Nilapitan ko ang ulo nun at napatitig sa mata nito, parang tumingin din ito pabalik sa akin. Mga 20 metro ang haba nito at kasing laki ng isang bus, kulay red ang katawan, yellow naman ang mata, may mga tinik naman ito sa gilid ng ulo. Kitang-kita naman ang dalawang mahahabang pangil nito sa harapan. Tumabi sa akin ang kapatid ko.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon