The Firefly Enchantress

61 3 1
                                    

Rick's POV

Ang dilim ng paligid.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Nasaan ba ko?

"Moondale?"

Sino yun? Boses ng isang lalaki. Walang silbi kung hahanapin ko siya wala naman akong makita sa sobrang dilim.

"Yakapin mo ang kadiliman!*echo*"

Ang....kadiliman?

...

...

...

"ANONG IBIG MO SABIHIN?!"

"Mr. Camarin?!"

Agad kong naimulat ang mga mata ko. Teka. Nakatulog pala ako sa klase, ay mali exams namin ngayon. Nakatayo sa harapan ko si mam Clarisse. Sana di niya ako papagalitan.

"Mr. Camarin pakigising na din ng dalawa mong kasama, please lang", mahinahong pakiusap niya.

Napalingon ako kina Luna at......at? Tsk basta yung kapatid niya. Mukhang himbing-himbing sila sa pagtulog, nakayuko sila sa kanilang desk. Ilang linggo din kasi kaming nagpupuyat para gawin ang mga misyon na ibinibigay sa amin nina Moonshade, may homeworks at nagrereview pa nga kami sa mga exams namin eh.

Marahan kong niyugyog si Luna na nasa tabi ko, agad rin siyang nagising. Nag-unat muna siya at pagkatapos nagtatakang tinignan ako.

"Ano?", tinatamad niyang tanong.

Itinuro ko lang si mam Clarisse na binati siya ng isang matamis na ngiti. Mukhang nakaramdam ng pagkahiya si Luna, medyo namula kasi ang pisngi niya. Inginuso ni mam Clarisse ang kapatid ni Luna na nasasarapan sa tulog, nakayuko din siya sa kanyang desk. Sinuntok ni Luna ang kapatid niya sa balikat dahilan na natatarantang bumangon siya.

"WAH! Sino yun?", gulat na gulat na tanong ng bagong gising.

"Good morning sa inyong tatlo", bati pa ni mam sa amin sabay ngiti.

"A-ay, hehehe, mam?"

Napakamot lang sa ulo niya si-

..

..

Kaasar! Nakalimutan ko na talaga yung pangalan ng lalaking yun. Napatingin si mam Clarisse sa kanyang wrist watch pagkatapos napaangat ang kanyang tingin.

"Ok class, finished or not finished pass your papers. Everyone", anunsyo niya.

Nagreklamo agad ang mga kaklase namin sa likod, mukhang di pa nila tapos sagutan ang mga questions. Nauna na rin kaming tatlo na nagpasa ng test papers namin, di naman kami siguro matutulog kapag di namin nasagutan ang exam questionares.

"Oh ba't mukhang puyat na puyat kayong tatlo? Di ba kayo natulog kaka-review ng mga notes at handouts niyo?", tanong naman ni mam Clarisse.

Tinatamad na tumango kaming tatlo bilang pagsagot. Kung alam lang niya ang totoong nangyari kagabi.

Naglakad si mam paikot sa classroom para kolektahin ang mga test papers. Ng matapos niyang mangolekta ng mga test papers bumalik siya sa kanyang desk at inilapag ang mga papel. Humarap siya sa aming lahat.

"Anouncement class, you have a new classmate. She came from Europe and starting tomorrow she'll be joining us in our class", anunsyo niya sa lahat.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon