The Moon General

77 1 0
                                    

Rick's POV

Gulong gulo ako sa nangyayari sa akin, paano nga ba ito nangyari? Kahit di sumasakit ang kaliwang mata ko ay hawak hawak ko pa din ito, di ako sanay na nakakakita na ito. Sabi kasi ng tiyahin ko mula nung pinanganak ako bulag na ang kaliwang mata ko at kahugis ito ng buwan, crescent moon exactly.

"Rick, maayos ka na di ba? Tumayo ka na diyan at bumalik na tayo", sabi ni Luna, parang wala na ang takot niya kanina ng makita ang mata ko.

"Oo sandali lang"

Agad akong tumayo at kinuha ang aking bag na nasa tabi ko, sumunod naman ang kapatid ni Luna, teka sino nga ba ulit ang pangalan ng lalaki na yun? Ah basta di na mahalaga yun, sabay kaming tatlo na tumalon papunta sa kabilang bahagi ng pader. Kasunod lang namin ang aming mga partner.

"Malamang tapos na ang klase ni mam Clarrise", sabi ni Luna.

"Sorry", sagot ko sa kanya.

Di ko talaga alam kung bakit, pero sa tuwing humihingi ako ng tawad sa kanya parang nagagalit siya bigla. Di lang siya sumagot pero halata sa mukha kanyang mukha ang pagkainis, nauna siyang lumakad sa amin.

"Oh Rick tara na", sabi naman ng kapatid ni Luna.

Nauna ng umalis si Luna, sumunod na rin ako papunta sa sunod naming klase.

*******************************

Alas kwatro na ng hapon, nagsiuwian na ang ibang estudyante. Nagpaiwan muna ako sa classroom, aantayin ko na makaalis na ang lahat bago ako lumabas. Ng wala ng ibang tao sa classroom ay lumabas na rin ako. Papunta sana ako sa locker room, bigla ko na lang narinig si.......ewan ko kung sino yun basta ang laging nambubully sa akin kasama ang mga kaibigan niya na naguusap.

"Medyo matagal pumunta ang bulag na yun dito ah"

"Haaay, ang saya pagtripan nun"

"Ipasok natin siya sa stockroom"

"Bago niyan, sabuyan natin ng pinaglinisan ng mop!"

Pagkatapos ay nagtawanan silang lahat, nakatayo na ako malapit sa pintuan ng locker room kung saan naroon ang mga lalaki na yun. Naghihintay lang sila na pumasok ako dun at gawan naman ng kalokohan.

"Siguro kung mapagtripan na nila ako sasaya na sila"

Papasok na sana ako ng bigla na lang may humila sa akin papalayo sa locker room. Halos matumba na ako sa kakahila ng tao na yun.

"Narinig mo na nga ang usapan nila papasok ka pa dun, sinong matinong tao ang gagawa nun?"

Boses babae, tumigil na rin siya kakahila sa akin. Nilingon ko ang humila sa akin, si Luna. Di ko alam talaga kung papano, pero si lahat ng tao na nakilala ko siya lang ang naalala ko mula pagkabata.

"Kukunin ko pa kasi ang mga libro ko dun sa locker, gagamitin ko yun para mag-aral may quiz kasi bukas", paliwanag ko sa kanya.

Di siya agad sumagot, may kinuha lang siya sa backpack niya. Inlabas niya ang tatlong libro at inabot yun sa akin.

"Ito muna gamitin mo, may ganito ring libro si Michael sa condo sabay na lang kami mag-aaral"

"Sorry"

"............."

*FLASH*

 Nakita ko bigla na tumama ang kamao ni Luna sa mukha ko. 

*BLACKOUT*

Napatingin ako kay Luna, masama na naman ang tingin niya sa akin as always. Para siyang nagpipigil. Yumuko ako at napatingin sa paanan niya.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon