Moondale

1K 14 8
                                    

NARRATOR

Isang Lunes ng umaga, nagdadagsaan ang mga estudyante sa hallway ng Mun Veste High School. Lahat ay abala sa pagkukuwentuhan sa kani-kanilang kaibigan, ang iba naman abala sa pagawa ng kalokohan sa unang araw ng pasukan.

“Ayan na siya, pwesto na pwesto”,bulung bulungan ng isang grupo ng kalalakihan sa hallway ng makita nila ang isang lalaki na paparating. Aakalain mong isa siyang “EMO” dahil sa mahabang buhok nito, natatakpan pa ang kaliwang mata niya. Siya si Rick Camarin, 3rd year high school.

Nilapitan siya ng grupo ng kalalakihan, bigla nilang hinablot ang bag ni Rick at pinagkakalat ang mga laman ng bag, mga notebook at libro, at pagkatapos tinapon nila ang bag ni Rick sa basurahan.

“Linisin mo ang kalat dito bulag”,sabi ng isang lalaki sa kanya habang nagtatawanan sila ng kaibigan mga kaibigan niya.

Walang nagawa si Rick kung hindi pulutin ang mga gamit niya.

“Eto ang mga gamit mo oh”, sabi ng isang lalaki habang inaabot sa kanya ang notebook at libro niya. Nakasuot ang lalaki ng green na bonet at may black na headphones sa ulo niya.

“Salamat”,sagot naman ni Rick sabay tingin sa masayahing mukha ng lalaki.

Napalingon siya sa kasamang babae ng kausap niya, nakatali ang buhok nito, may maputi at makinis na mukha, at galit na tumititig sa kanya.

“Tayo na, mahuhuli na tayo sa klase”,sabi ng babae sa kasama niyang lalaki.

“Diyan na, oh  paano magkita na lang tayo pre!”,paalam ng lalaki kay Rick.

“Huh, magkita mamaya?”,nagtatakang sabi ni niya sa sarili. Pero mas nagtataka siya sa babaeng kasama nung lalaki.

Tumatakbong pumasok si Rick sa room C06, doon kasi ang unang klase niya. Pagpasok niya, halos lahat ng mga kaklase niya nakaupo sa likurang bahagi ng classroom, pati ang magkakabarkadang nagkalat ng gamit niya sa hallway. Umupo na lang siya harapan para makaiwas sa gulo.

“Sabi ko na nga ba magkikita magkikita tayo eh”,sabi ng isang lalaki kay Rick, siya pala ang tumulong sa kanya sa hallway, nakaupo lamang siya sa likuran niya.

Lumingon si Rick at bahagyang ngumiti sa kanya,

”Ikaw pala, magkaklase pala ta—“

Natigilan si Rick ng muli niyang Makita ang babaeng kasama ng lalaki.

“Uhh,G-GF mo pre?”,tanong ni Rick sa lalaki.

“KAPATID –NIYA—AKO”, galit na sagot ng babae sa kanya.

Tumalikod na lang si Rick sa sobrang takot niya, hindi maganda ang pakiramdam niya sa tingin sa bago niyang kaklase.

“Heto na naman tayo, ‘di kaba titigil sa ginagawa mo?”, bulong ng lalaki sa kapatid niya.

Hindi sumagot an gang kapatid niya, patuloy pa rin niyang tinititigan si Rick. Biglang may pumasok na ‘di kilalang babae sa classroom, dark-blue ang kulay ng medyo kulot na buhok, nakasuot ng salamin, naka blouse at mini-skirt na gray, at may bitbit na class record book. Pagdating ng babae sa teacher’s table agad siya humarap sa klase at nagsalita;

“Good morning everyone, I’m Ms. Clarisse Cora your English  Communication 3 teacher and also your class adviser, nice to meet you all. Ok, ngayon kayo naman ang magpakilala sa mga kaklase niyu, ba’t ‘di nyu simulan Ms. And Mr. Solas”,tinitigan niya ang magkapatid sa likuran ni Rick.

Naunang tumayo ang babae at nag pakilala;

“Good morning classmates, ma’am, I’m Luna Gail Solas, I am the current president of the Supreme Student Government of the school”.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon