True Power

144 7 1
                                    

NARRATOR

Hila hila  pa rin ni Moonshade ang kamay ni Moondale papalabas nila sa Moon Valley.

“Teka lang naman oh!!Pwede ‘wag mo na ko kaladkarin,masakit na balikat ko sa ginagawa mo eh”, reklamo ni Moondale habang hinihila ang kamay niya.

“Pasensya na,talagang nagmamadali lang tayo ngayon baka lalong magwala pa ang goblin na yun sa gubat,mahirap na”,kabadong sagot naman ni Moonshade.

“FYI na lang ah, di ako marunong lumaban eh. Di ko alam papano sumuntok o sumipa sa mga kalaban ko, pwede iba na lang isama mo nonsense ako pagdating sa mga bagay na ‘yan”, paliwanag niya kay Moonshade.

“Kaya mo yan, ikaw si Moondale, walang bagay na di kayang gawin ng isang Moondale. Ngayon hintayin na lang natin ang partner mo para makababa na tayo”, sagot ni Moonshade.

Nagtaka lalo si Moondale sa sinabi ng kanyang “MENTOR”, sinong partner ang sinasabi niya? Naalala niya si Vesta, ang kasamang malaking itim na lobo ni Moonshade. Ayun sa kanya, si Vesta ay partner niya.

“Ayan na pala, bilisan na natin Moondale umalis na tayo”, sabi ni Moonshade.

“Nagbibiro ka di ba?!”, nagugulat na sigaw ni Moondale nang Makita niya ang kanyang magiging partner, isang malaking puting tigre na puno ng blue stripes ang kanyang katawan. Meron din itong simbolo ng crescent moon sa noo ng tigre, kagaya din sa nooni Vesta.

“Oh, ano pa ginagawa mo diyan Moondale? Bilisan mo at sumakay ka na sa kanya!”, nagmamadaling sabi ni Moonshade.

“Ayoko, papano kung kagatin ako nyan ikaw bahala sa pagpapa-ospital ko?”, natatakot sa sagot niya.

“Hay naku naman, baguhan pa nga siya. Halika nga dito”, sabi ni Moonshade habang hinahablot niya ang braso ni Moondale, at sabay tulak sa kanya.

“Aray naman, ano ba problema mo ah, nanunulak ka lang ng—“, natigilan si Moondale sa karereklamo ng makita niyang tinitigan siya ng malaking tigre, nakasandal pala si Moondale sa tigre. Parang maiihi na siya sa sobrang nerbyos, di niya alam kung anung mangyayari sa kanya.

May narinig siyang isang boses ng lalaki.

“Ayos ka lang ba?”, ang tanong ng boses kay Moondale.

Napatingin siya sa tigre, may nabuong konklusyon sa kanyang isipan.

“Ikaw ba yung nagsalita?”, tanong niya sa tigre.

“Tama ka, ako pala si Saber masaya ako naikaw ang partner ko Moondale”, sagot ng tigre.

“Baka makalimutan niyo na may goblin pa tayong huhulihin”, paalala ni Moonshade sa dalawa.

Napatingin si Saber kay Moondale pagkatapos ay bigla itong dumapa sa lupa, parang inaanyayahan niyang sumakay ang binata sa kanyang likod. Habang si Moonshade ay nakasakay na kay Vesta, handang-handa na siyang umalis.

“Tayo na Moondale, kailangan nila tayo”, paanyaya ni Saber, nakatitig pa rin siya kay Moondale.

Huminga ng malalim si Moondale at dahan-dahang sumakay kay Saber. Nang tumayo na ang tigre, biglang napayakap si Moondale kay Saber para di mahulog.

“Kumapit ka lang diyan”, sabi ni Saber kay Moondale habang lumalakad.

“Bilang isang moonrider, dapat mong matutunan na sumakay ng maayos sa partner mo dahil magkasama kayong makikipaglaban”, paliwanag ni Moonshade.

Naglalakad si Vesta at Saber papunta saisang bangin habang naksakay ang dalawang moonrider sa kanila. Napatingin si Moondale sa ibaba ng bangin, masyadong madilim kasi at makapal pa ang usok kaya di niya makita kung anung meron sa ibaba ng bangin.

Moondale: Rise of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon