Chapter Twenty-Four

85 1 0
                                    

Chapter XXIV

Sung Hyo's POV

(Kinabukasan...)

LAMIG NA SIGURO ANG LOVE TEAM NAMIN NI LUHAN. WALA NA AKONG MAGAGAWA 'DON.

Alam ko namang mali ako eh. Dapat, kung mahal ko talaga si Luhan, hindi ako nagseselos dahil alam ko namang ako lang ang One and Only ni Luhan. Dapat hindi ako nagda-doubt sa kanya. Pero sabi ko nga, yun ang DAPAT mangyari. Hindi ko na kaya, maluluka na ata ako kaka-isip sa kung ano ang dapat mangyari. T^T

"Aerri, ang laki ng problema ko."

"Hindi halata Sung Hyo. Spaced out ka nanaman kanina. Sya nga pala, hindi raw muna tayo magdedebut next month. Inilipat na nila tayo sa ibang industry."

"HA?! ANO? HINDI KO NAINTINDIHAN. PAKI-ULIT."

"Kita mo? Hindi ka nakikinig. Puro ka problema. Bale, hindi muna tayo sa music industry ipapakita. Idedevelop muna raw tayo sa modelling industry, lalo ka na. Dito ka magaling, sa pagpopose mo."

"Ha? Pero hindi naman ako mahilig sa ganyan. Diba 'yan ang hilig mo? Yang pa-selca selca mo?"

"T-Talaga? Hala? Basta, modelling raw muna tayo. Yun ang point ko. Sya nga pala, ano ba 'yang problema mo? Baka pwede kitang tulungan?"

"Kasi... nagseselos ako..."

"HA?! NAGSESELOS KA?! FOR REAL?! NAKO FRIEND, PAG-IBIG NA ITUUUU!!!"

"Pano mo naman nasabi 'yan?"

"E kasi possessive ka sa boylet mo. Ibig lang nyan sabihin, talagang inlababo ka na talaga kay Luhan. Talagang mahal mo na sya, hindi mo lang gustong ipinapakita. Hay nako Sung Hyo, kilalang kilala na kita. Oh ano, ano naman ang problema mo 'don? Sino bang babae 'yang nalilink kay Luhan ha?"

"Si Chorong... ng Apink..."

"HUWAT?! HALA FRIEND, MATINDI ANG KALABAN MO."

"Alam ko, Aerri. Pero ano bang magagawa ko? Wala pa ngang 'kami' ni Luhan pero sobrang hirap na ako sa sitwasyon ko ngayon. Anong gagawin ko?"

"Ang the best dyan, Sung Hyo, ay mag-usap kayo. Hayaan mo syang magpaliwanag. Yun muna. And if anything goes wrong, tell me."

"Pero... mas pinapansin nya na si Chorong kesa sakin. Mukhang sawa na sya sakin, Aerri. Grabe, iiyak na ako." QAQ

"Ganito nalang ang gawin mo, Sung Hyo. Kung talagang pakiramdam mo eh tinatalbugan ka ni Chorong, at talagang sya nalang ang pinapansin ni Luhan, e di magparamdam ka. Iparamdam mong may iba pang babaeng pwede nyang landiin. Iparamdam mo ang pagkababae mo, na may gusto ka na talaga sa kanya. Kung kinakailangang mawalan ng privacy, o ipakita sa public, maging PDA man yan, ayos lang. Ang mahalaga, makuha mo ang sayo. May naisip akong plano, kaya makinig kang mabuti. Wag ka nang umiyak dyan ha? Makinig ka..."

"O-Okay?"

Luhan's POV

Nagselos si Sung Hyo kay Chorong. Yun naman talaga ang pakay ko eh, pagselosin sya. Naiinip na kasi ako kahihintay sa sagot nya. Hindi ko alam kung mahal nya rin ba ako o ano. Konti nalang at magkakaparehas na sila ng 'ex-bestfriend' nyang si Chanseul. Fanboy lang naman talaga ako ni Chorong eh. Pero, kahit papano, natuwa ako. Nagselos si Sung Hyo, ibig sabihin may nararamdaman sya para sakin. Chaka, alam nyo ba, tanggap na rin sana sya ng fans. Alam na nila ang tungkol samin ni Sung Hyo. Marami na sa kanila ang boto sa aming OTP na SungHan. :">

Balik tayo sa realidad.

Aabutan pa ata kami ng concert namin bago pa ako pansinin ni Sung Hyo. At mukhang mismong si Sung Hyo eh anti sa OTP namin. :(

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon