Chapter Twenty-Three

88 1 0
                                    

Chater XXIII

Sung Hyo's POV

Umuwi na kami pabalik ng Korea mula sa aming trip to France. Sobrang saya ko sa naging 20th birthday celebration ko. The best so far. Hindi ko inakala na ireregalo ng EXO sakin si Luhan, at magagawa pa ni Luhan na harapin ang takot nya para sakin. Isa 'yong big achievement para sa kanya. Kung makikita nyo lang sana syang manginig nung mga panahon umaakyat kami. Grabe. Sabihin nyo nang mean ako pero ang cute nya talaga 'non.

Anyway, back to our normal lives. Nagpapractice parin ang EXO at nagte-training parin ako kasama ang grupo. Pero ngayong hapon, talagang nabigla ako sa narinig ko mula kay Aerri. Sinugod ko agad ang SM Building pagkatapos ng training period nung araw na yon. Hindi talaga ako makapaniwala.

 "Grabe ka Kai, hindi mo man lang sinabi sakin na kayo na pala ni Aerri! Halos tatlong araw tayong magkasama sa France at hindi mo man lang naisip na ibalita 'yon sakin!"

"Nabigla nga rin ako eh." sabi sakin ni Itim na may pagkamot pa sa ulo nya.

"Anong ibig mong sabihin?! Si Aerri pa ang may initiative?!" nginitian nya lang ako. "Shet."

"Uh, Kai, pakitawag na yung iba. Magpa-practice na ulit tayo para dun sa show next week." singit ni Luhan sa aming usapan.

"Okay hyung." sagot ni Kai.

"Anyyeong oppa~" bati ko kay Luhan.

"Annyeong." medyo malamig ang pagkakasabi nya sakin non. "Uh, Sung Hyo, makaka-uwi ka ba ng wala ako?"

"Bakit oppa?"

"Matatagalan pa kasi bago kami matapos sa practice eh."

"Ah, sige. Uuna na ako ha? Kailangan ko na rin kasing magpahinga. Bye guys!"

At umalis ako. Hindi ko inakala na ire-regret ko ang pag-alis ko ng ganun na lang basta. Kahit nung mga sumunod na araw, naging sobrang hectic ng schedule ko at medyo natatarayan ko na rin si Luhan sa stress. Pero... nag-explain naman ako at nagsorry sa kanya.

(After one week...)

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong hindi kami gaanong nakakapag-interact ni Lulu. Napapansin ko rin na nagiging busy na rin sya. Daily routine na nya ang sunduin ako after training pero ilang araw na nyang hindi nagagawa 'yon. Nakakatampo sya ha? Pero maalala ko, busy naman kasi kami parehas, hindi ko rin naman sya masisisi. :(

So no choice ako. Umuwi ako mag-isa. Kararating ko lang sa bahay. Basta ko nalang inilapag sa sahig ang bag ko at isinalampak ang sarili sa kama. Grabe, ang sarap magpahinga. Pero kahit ipinikit ko na yung mata ko, hindi parin nagpapahinga ang utak ko sa kaka-isip kay Luhan. Ano kaya ang meron sa kanya? Parang nanlalamig na sya sakin. Pero... Huwag naman sana. Think positive, Sung Hyo. Cross fingers.

Anyway, naglog-in ako sa SNS ko para i-update ang sarili sa mga bagay-bagay. Matagal na rin simula nung huli kong binuksan ang SNS ko. At talaga namang na-update ako at nabigla sa aking nabasa.

"EXO's Luhan and Apink's Chorong dating"

ANO RAW? DATING???

Tinuloy ko ang pagbabasa sa article. Omaygams. In a music show? Together?! Holding hands?! Anu ituuuu!?! Tapos, nagba-blush at nahihiya raw si Luhan pag nababanggit si Chorong?! Jusme, ang puso ko, it's... it's... QAQ

Hindi naman ako nagseselos eh. Kasi, alam ko namang loyal sakin si Luhan. Chaka, matagal ko nang alam na fanboy sya ng Apink.

"Luhan's ideal type is someone who has fair skin, long hair, and has small lips. Chorong's ideal type is someone who is skinny and has a manly personality." Alam ko na yan simula pa nung una. E di sila na nga ang ideal type ng isa't isa. Ano ngayon kung type nila ang isa't isa? Like I care diba?

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon